PDEA, makikipagtulungan sa Simbahan sa kampanya kontra droga.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 414 total reads

Tiniyak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pakikipagtulungan sa iba’t-ibang ahensiya maging sa Simbahan kaugnay sa kanilang panibagong mandato bilang sole agency o solong tagapangasiwa ng Anti-illegal Drug campaign ng pamahalaan sa buong bansa.

Ayon kay Derrick Carreon – Spokesperson ng PDEA, maaring direktang makipag-ugnayan ang Simbahan sa ahensiya kung saan handang makipagtulungan ito upang epektibong masugpo ang malawakang kalakalan ng ipinagbabawal ng gamot.

“There is such an organization already existing, the Ugnayan ng Barangay at Simbahan then makikipag-link-up po kami sa Barangay, palakasin natin ito or you can also directly coordinate with us, wala naman pong problema…“ pahayag ni Carreon sa panayam sa Radio Veritas.

Dagdag pa ni Carreon, nakatakda ring makipag-ugnayan ang PDEA sa Department of Interior and Local Government upang magkaroon ng mas malawak na saklaw sa mga barangay sa buong bansa.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9165, itinatag ang Philippine Drug Enforcement Agency para pangalagaan ang integridad ng mga mamamayan lalo na ang kabataan mula sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot.

Batay sa pinakahuling tala ng PDEA noong Mayo nasa mahigit 4.7-milyon ang bilang ng mga gumagamit ng ilegal na droga sa bansa partikular ng shabu, marijuana, cocaine, ecstasy at solvent.

Una nang nagpahayag ng pagsuporta ang Simbahang Katolika sa layunin ng mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga, ngunit binigyang diing hindi nararapat na malabag ang anumang karapatan ng mga mamamayan higit sa lahat at kitilin ang buhay maging ng mga hinihinalang sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 15,947 total reads

 15,947 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 96,978 total reads

 96,978 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 191,203 total reads

 191,203 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 251,693 total reads

 251,693 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 264,783 total reads

 264,783 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 18,079 total reads

 18,079 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top