Lupa hindi bomba, bigas hindi bala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 609 total views

Ito ang nagkakaisang sigaw ng mga magsasaka mula sa ibat-ibang bahagi ng bansa na nag-martsa patungong University of Santo Tomas upang ipakita sa pamahalaan ang social injustice na kanilang nararanasan.

Sinimulan ang pagtitipon ng isang banal na misa na pinangunahan ni Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez na dinaluhan ng mga magbubukid ng Pilipinas, kinatawan ng Simbahang Katolika at mag-aaral ng U-S-T na sinundan ng solidarity lunch.

Ayon kay CLAMOR Movement o Coalition for Land, Against Martial Law and Oppression lead convenor Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano, isang magandang pagkakataon ang pagsama-sama ng iba’t-ibang sektor ng lipunan upang ihayag sa gobyerno ang mariing pagtutol sa extra judicial killings at karahasan na dinaranas ng mga magsasaka sa ilalim ng batas militar.

“Ang deklarasyon po ng Martial Law sa buong bansa ay lalong mangangahulugan ng pagdami pa ng mga kaso ng political extra judicial killings o summary executions lalung lalo na sa hanay ng mga magsasaka. Sa unang taon ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng kanyang administrasyon, tuluy-tuloy pong nagaganap ang pamamaslang lalung-lalo na sa hanay ng ating magsasaka,” pahayag ni Mariano.

Kasabay ng pagtutol sa diktadurya, tyranny at opresyon, layunin din ng pagtitipon na bigyang-pansin at tutukan ang usapin hinggil sa genuine agrarian reform, libreng pamamahagi ng lupa at ang walang habas na pagpatay sa mga magsasaka sa iba’t ibang rehiyon.

Sa tala ng CLAMOR, umabot na 91 mga magsasaka ang napapaslang buhat noong naluklok sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte hanggang Agosto 2017.

Patuloy namang ipinaalala ni Pope Francis sa mga lider ng bawat bansa na pahalagahan ang karapatan ng maliliit na tao sa lupang kanilang tinubuan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 21,612 total views

 21,612 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 49,617 total views

 49,617 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 67,417 total views

 67,417 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 66,513 total views

 66,513 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 177,402 total views

 177,402 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 4,052 total views

 4,052 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 227,139 total views

 227,139 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top