Pagtutulungan ng gobyerno at Simbahan, lulutas sa problema ng bansa sa droga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 891 total reads

Binigyang-diin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang pagtutulungan ng simbahan at pamahalaan ang lulutas sa problema ng bansa sa iligal na droga.

Ayon sa DILG Undersecretary for Operations Atty. John Castriciones, ang pagsasanib-puwersa ng dalawang institusyon ang tanging tutugon sa iba’t ibang suliranin sa lipunan partikular na ang usapin sa ipinagbabawal na gamot.

Sinabi ni Castriciones na ang lahat ng bagay ay nabibigyan ng resolusyon kapag nagkakaisa.

“Napakaganda pong tingnan na kapag nagtutulungan ang simbahan at ang ating pamahalaan makikita po natin doon ang tinatawag nating pagkakaisa. Lahat naman ng bagay ay nabibigyan ng resolusyon kapag nagkakaisa. We have to maintain a society that is composed of the people so itong pagtutulungan na ito napakabuti po nito at sana po ay maipagpatuloy natin para magkaroon po ng kalunasan at matuldukan po natin ang ating problema sa iligal na droga,” pahayag ni Castriciones.

Idinagdag pa ni Castriciones na bagamat nasasaad sa konstitusyon ang separasyon ng simbahan at estado, tungkulin pa rin ng bawat isa na magtulungan upang tutukan at solusyunan ang maiinit na usapin sa bansa lalo’t higit ang drug problem.

Magugunitang isang taon na ang nakalipas buhat nang ilunsad ng Archdiocese of Manila ang 6-month church initiative and community-based drug rehabilitation program na Sanlakbay kung saan 139 na drug addicts ang nagtapos at nagbigyan ng pagkakataong muling magbagong buhay sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police, Department of Interior and Local Government at Philippine Drug Enforcement Agency.

Patuloy naman ang pagpapaalala ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga drug surrenderers na maging matatag sa pagharap sa mga tukso at talikdan ang pagsamba sa mga huwad ng diyos tulad ng salapi, alkohol, sugal at droga.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 17,241 total reads

 17,241 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 77,325 total reads

 77,325 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 162,692 total reads

 162,692 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 209,428 total reads

 209,428 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 257,299 total reads

 257,299 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 357,472 total reads

 357,472 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 314,274 total reads

 314,274 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 420,370 total reads

 420,370 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top