Ikalawang Laudato Si pre-conference, pangungunahan ng Diocese of San Pablo.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 329 total views

Pangungunahan ng Diocese of San Pablo Laguna ang Laudato Si Pre Conference bilang paghahanda sa gaganaping kumperensya ng Ecclesiastical Province of the Archdiocese of Manila sa susunod na taon.

Sa ilalim ng temang “Mapangalagang Sambayanan sa Inang Kalikasan”, isasagawa ng Diocese of San Pablo ang kumperensya sa Canossa College, San Pablo, simula alas otso ng umaga hanggang alas kuwatro ng hapon ika-25 ng Nobyembre 2017.

Ayon kay Msgr. Jerry Bitoon, Head ng Ecology Ministry of the Diocese of San Pablo, layunin nito na maitanim sa puso ng mga mananampalataya sa Diyosesis ang tamang pag-aaruga sa kalikasan at upang mapalalim din ang pag-unawa ng bawat isa sa encyclical ng Santo Papa na Laudato Si.

Bukod dito, magsisilbing inspirasyon din ang gaganaping kumperensya upang mapalakas ang pagtugon ng simbahan sa mga usaping may kaugnayan sa pagkasira ng kalikasan.

“Gusto naming mapalakas yung ministry dito sa Diocese kasi talagang all these years, mahina, hindi masyadong nabibigyang pansin ang issue ng ecology sa simbahan. Lumabas din yan sa ginawa naming survey na mahina, madalang at ang tawag nila’y napaka tahimik ng simbahan sa issue ng kapaligiran.” Pahayag ni Msgr. Bitoon sa Radyo Veritas.

Itatampok sa kumperensya ang iba’t –ibang panayam kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng kalikasan at ang mga pagkasirang idinulot ng mga tao sa kapaligiran.

Bibigyang diin rin dito ang mahigpit na pagtugon sa environmental laws na ecological solid waste management act, clean air act, at clean water act.

Ang Laudato Si Pre-conference sa Diocese of San Pablo ang ikalaw sa mga serye ng kumperansyang isinasagawa bilang paghahanda sa gaganaping Conference sa ikalawa at ikatlong araw ng Pebrero 2018.

Susundan ito ng ikatlong Pre-conference sa ika-9 ng Disyembre sa Archdiocese of Manila.

Ang Laudato Si ang ikalawang encyclical na nilathala ni Pope Francis kasunod ng Lumen Fidei.

Gayunman, ito ang itinuturing na kauna-unahang encyclical na patungkol sa tamang pangangalaga sa Kalikasan at nag-iwan ito ng tatak sa maraming tao sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pananampalataya dahil sa pagtukoy sa isang pandaigdigang suliranin sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 5,211 total views

 5,210 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 29,526 total views

 29,526 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 65,316 total views

 65,316 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 107,136 total views

 107,136 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 160,073 total views

 160,073 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 300,864 total views

 300,864 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top