Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Year of the Parish hindi natatapos sa pagsisimula ng Year of the Clergy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 842 total views

Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagdiriwang ng misa sa pagtatapos ng Year of the Parish: Communion of Communities at ang pagbubukas naman ng pagdiriwang ng simbahan ng Year of the Clergy and Consecrated Persons: Renewed Servant Leaders for the New Evangelization sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate Manila.

Ayon kay Cardinal Tagle hindi nagtatapos ang Year of the Parish sa pagsisimula ng Year of the Clergy bagkus ito ay magkaugnay sa pagmimisyon ng simbahan sa komunidad na bahagi ng paghahanda sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng kristiyanismo sa Pilipinas sa taong 2021.

Giit ni Cardinal Tagle, mahalaga ang pagbubuklod at pagbabahagi ng mga biyaya na siyang pakahulugan ng pagmimisyon sa kapwa na nagbubunga ng ebanghelisasyon sa maraming tao.

“Sana, tuloy tayong lahat na siyasatin kung ano ang ating natatanggap para maibahagi sa sambayanan,” ang bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle.

Kabilang din sa nagconcelebrate sa misa si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo at mga pari ng Archdiocese ng Manila.

Inilunsad din sa pagdiriwang ang official themesong na “Father bless them” na isinulat ni Fr. Carlo Magno Marcelo.

Tinatayang may higit sa 3,000 katao na kinatawan ng 13 vicariate ng Archdiocese of Manila ang nakiisa sa pagdiriwang.

Ang arkidiyosesis ay may 1,131 na pari na siyang nangangasiwa sa 13 vicariate na binubuo ng 86 na simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapayapaan na ba sa wakas?

 5,480 total views

 5,480 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 21,176 total views

 21,176 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 29,576 total views

 29,576 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 94,240 total views

 94,240 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 161,502 total views

 161,502 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top