Pananampalatayang Katoliko, buhay na buhay sa kabila ng Martial law sa Mindanao.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 433 total reads

Nananatiling puno ng pag-asa ang mga mananampalataya ng Apostolic Vicariate of Jolo, Sulu para sa nalalapit na pasko at pagsisimula ng bagong taon.

Ito ang inihayag ni Sr. Ramona Tendon ng Associate of Notre Dame na siyang Social Action Directress ng Apostolic Vicariate of Jolo, Sulu kaugnay sa paghahanda ng mga mananampalataya sa kapaskuhan at pagtatapos ng taon sa kabila ng umiiral na Martial Law sa buong rehiyon ng Mindanao.

Pagbabahagi ng Madre, sa kabila ng mahigpit na seguridad na ipinatutupad sa lalawigan ay nananatiling puno ang Cathedral of Our Lady of Mount Carmel kung saan pursigido ang mga mananampalataya na mabuo ang 9 na araw na novena bilang paghahanda sa pagsilang ng Sanggol na si Hesus na siyang tagapagligtas ng sangkatauhan.

Bukod dito, inihayag rin ni Sr. Tendon na maging ang mga Katolikong sundalo na naka-deploy sa lalawigan ay nakikiisa rin at nakikibahagi sa isinasagawang Simbang Gabi tuwing alas-singko ng umaga.

“Catholics in Jolo remain faithful with the hope of completing 9 day novena masses. Puno naman ang Cathedral at Carmel, yung mga Catholic na soldiers, they join us sa simbang gabi 5 am po ang mass.”mensaheng ipinadala ni Sr. Ramona Tendon sa Veritas Patrol.

Ang Apostolic Vicariate of Jolo, Sulu na may halos 24,500 mananampalatayang Katoliko sa 5 parokya ay bahagi ng Ecclesiastical Province of Ozamiz na mayorya ng mga residente ay Muslim.

Sa kabila nito nananatili ang payapang pagsasama ng mga Katoliko at Muslim sa lalawigan na isa sa mga mahigpit na binabantayan ng mga militar dahil sa mga dating serye ng mga isinagawang pag-atake ng mga armadong grupo sa lugar.

Matatandaang una na nang binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na walang anumang relihiyon ang nagtuturo ng karahasan at pagdudulot ng kapahamakan sa kapwa sa halip ay mga maling ideyolohiya lamang na nagsisilbing tukso sa mga may mahihinang paninindigan sa tama at kabutihan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 35,220 total reads

 35,220 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 71,725 total reads

 71,725 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 89,936 total reads

 89,936 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 174,264 total reads

 174,264 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 210,039 total reads

 210,039 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,430 total reads

 38,430 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top