Diocese ng Marawi, kabalikat ng pamahalaan sa homecoming ng mga Maranao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,685 total reads

Patuloy na sinusuportahan ng Prelature of Marawi ang lokal na pamahalaan sa programang “Kambalingan” o Homecoming ng mga Maranao na lumikas noong sumiklab ang bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Maute Group.

Ayon kay Brother Rey Barnido, Lay Coordinator ng Social Action Center ng Prelature of Marawi, marami sa mga Maranao ang nakabalik na sa kanilang mga bahay.

Gayunman, ang mga pamilyang naninirahan naman sa ground zero ay walang magagawa kundi magtiis hanggang sa mapahintulutan na silang makabalik sa kanilang tahanan.

“Patuloy ang tinatawag naming “Kambalingan”, ang Homecoming program na tinutulungan ng Prelature of Marawi ang ating City Government. May mga natira pang 341 families sa evacuation center sa Iligan. Ililipat na sila within the next 2 weeks sa iba’t-ibang evacuation centers na gagawin nanaman sa Marawi dahil halos lahat ito ay taga-ground zero at hindi pa pwedeng umuwi.” Bahagi ng pahayag ni Barnido sa Radyo Veritas.

Batay sa tala ng Social Action Center ng Prelatura ng Marawi, 341 pamilya pa ng mga Maranao ang nananatili sa kasalukuyan sa mga evuation centers habang 49 na mga barangay na ang may mga bakwit na nakabalik na sa kanilang tahanan.

Samantala, ibinahagi rin ni Bro. Barnido na nagpapatuloy ang paglikha ng mga transitional houses para sa mga bakwit.

Aniya, nagtatagal lamang ito dahil sa kakulangan sa lupa na pagtatayuan ng mga bahay na pansamantalang tutuluyan ng mga Maranao, habang hindi pa lubos na naisasagawa ang pag rehabilitate sa buong Marawi City.

“On-going yung pagtatapos ng iba’t-ibang units and they are trying to finish around 1500 transitional houses. Marami-rami na rin ang lumipat. Yung iba ay hindi pa nasimulan, may pera na, marami namang nag offer, kaya lang ang problema kasi ngayon ay ang lupa sa Marawi, wala pa talagang masimulan dahil walang mabili na lupa, walang available na lupa o di kaya’y pag-aari ng Gobyerno.” Pahayag ni Barnido.
Ayon sa Social Action Center ng Prelature of Marawi, humigit kumulang 500 na ang mga pamilyang lumipat sa transisional houses habang tinatayang 1,500 mga bahay pa ang nakatakda pa lamang matapos.

Matatandaang humigit kumulang 300-libo ang mga Maranao na nagsilikas nang magsimula ang giyera sa Marawi noong ika-23 ng Mayo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 51,908 total reads

 51,908 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 131,478 total reads

 131,478 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,925 total reads

 164,925 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 200,223 total reads

 200,223 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 424,683 total reads

 424,683 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,685 total reads

 37,685 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,574 total reads

 30,574 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top