Ash Wednesday, hudyat ng pagbabago

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 559 total reads

Ipinaalala ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity na ang Miyerkules ng Abo na hudyat ng pagsisimula ng kwaresma ay panawagan ng pagbabago, tulad sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si na ecological conversion.

Paliwanag ng Obispo, ang pagkukulang, pag-abuso at kapabayaan ng tao sa kalikasan ay mga kasalanang dapat aminin at pagsisihan.

Kasabay ng pag-amin at pagsisisi, binigyang diin ng Obispo na mahalaga din ang pagbabago ng pag-uugali at gawi ng pamumuhay upang maramdaman ng mga tao ang kanilang kaugnayan sa kapwa at sa kalikasan na nilikha ng Panginoon.

“Ang Ash Wednesday ay panawagan ng pagbabago, at yan din ang panawagan ng Laudato Si, Ecological Conversion. Pangalawa ang panawagan ng Ash Wednesday o ng Lent ay ang pagsisisi, ibig sabihin aminin natin ang ating mga pagkukulang upang magkaroon ng pagbabago, at dito sa kalikasan malaki ang pagkukulang natin. Sinabi ni Pope Francis ang pag-abuso at kapabayaan sa kalikasan ay isang kasalanan, kasi may relasyon din tayo sa kalikasan na gawa ng ating ama. Kaya’t dito dapat aminin sana natin ang ating mga pagkukulang at ihingi ng tawad.” Pahayag ni Bp. Pabillo sa Radyo Veritas.

Samantala, hinimok din ng Obispo ang mga mananampalataya na mangilin o magtimpi, bilang bahagi ng mga dapat gampanan ng isang katoliko tuwing panahon ng kwaresma.
Hinikayat ni Bishop Pabillo ang mga Katoliko na bawasan ang pagkain ng mga karne o ang tinatawag na red meat bilang pag-sasakripisyo at sa halip ay kumain na lamang ng mga isda at gulay.

Ayon pa sa Obispo, bukod sa pangingilin ay makabubuti din ito sa kalusugan ng mga tao at sa kalikasan dahil ang sobrang pagkain ng mga karne ay nakapagdudulot ng iba’t-ibang karamdaman sa katawan ng tao.

Bukod dito, maiiwasan din ayon sa Obispo na makapasok sa katawan ng tao ang mga Genetically Modified Organisms na karaniwang ipinakakain sa mga baboy at baka.

“Kaya isang magagawa natin, sana bawasan natin ang pagkain ng karne, ng meat. Ito ay mabuti sa ating katawan, kalusugan, at ito’y mabuti sa kapaligiran, at hindi lang yan, yung mga GMO na pinapakain sa mga baka, sa mga baboy, yan din ay kinakaian natin. Kaya yung mga genetically modified organisms ay pumapasok din sa atin sa pamamagitan ng kinakain natin na mga karne. Kaya kung babawasan natin yan ay makakatulong tayo sa kalikasan at makakatulong tayo sa ating kalusugan.” Dagdag pa ng Obispo.

Una nang isinulong ng himpilan ng Radyo Veritas ang No Meat Friday upang mabawasan ang nakasanayang dami ng pagkonsumo ng tao sa red meat na nakasasama sa kalusugan at sa kalikasan.

Ngayong taon inaasahan na ang 86 na porsyento ng populasyon sa Pilipinas ay makikiisa sa pagsisimula ng panahon ng kwaresma.

Kaugnay dito, inaanyayahan naman ng Radyo Veritas ang mga mananampalataya na dumalo bukas sa Banal na Misa para sa Miyerkules ng Abo, ganap na alas dose ng tanghali, na pangungunahan din ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,065 total reads

 33,065 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,707 total reads

 69,707 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,918 total reads

 87,918 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,246 total reads

 172,246 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,125 total reads

 208,125 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,146 total reads

 378,146 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top