Ash Wednesday at Valentine’s day, simbolo ng pag-ibig

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 980 total reads

Hindi dapat na maging maligalig ang mga kabataan sa pagkakasabay ng Araw ng mga Puso at Miyerkules ng Abo ngayong ika-14 ng Pebrero.

Ito ang panawagan ni Rev. Fr. Conegundo Garganta, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Youth sa magkaparehong petsa ng Valentines Day at Ash Wednesday ngayong taon.

Paliwanag ng Pari, parehong sumisimbolo ang Araw ng mga Puso at Miyerkules ng Abo sa pagmamahal at pag-ibig kaya’t magkaugnay ang dalawang okasyon.

Sa ganitong konteksto, hinimok ni Fr. Garganta ang mga kabataan na pagnilayan ang iniaalay na pag-ibig ng Panginoon para sa kaligtasan ng sangkatauhan mula sa kasalanan.

“Nagkataon po sa araw na ito, tumapat sa araw ng mga puso o Valentine’s Day ang pagdiriwang ng Ash Wednesday pero huwag po tayong magkaroon ng pagkaligalig tungkol sa bagay na ito kung tutuusin po ang Krus na ating inaalaala sa pasimula ng Miyerkules ng Abo o Ash Wednesday ay ang puso ng Diyos na hinubog para sa ating kaligtasan kaya tingnan po natin ang pagdiriwang na ito na isang pagdiriwang ng pagpapakilala sa atin ng Diyos ng kanyang pagmamahal, ng kanyang pag-ibig…” pahayag ni Fr. Garganta sa panayam sa Radyo Veritas.

Ngayong taon ay natapat ang paggunita sa Miyerkules ng Abo sa ika-14 ng Pebrero na siya ring Araw ng mga Puso.

Ang Miyerkules ng Abo ang hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma o ang 40 araw na paghahanda para sa paggunita ng pagpapakasakit ni Hesus sa Krus upang tubusin ang sanlibutan mula sa kasalanan.

Una na ring nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga mananampalataya na ang panahon na Kwaresma ay isang pambihirang pagkakataon na makapag-balik loob sa Panginoon sa pamamagitan ng taos pusong pagsisisi, pagbabagong buhay at pagtulong sa mga nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 34,244 total reads

 34,244 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 70,802 total reads

 70,802 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 89,013 total reads

 89,013 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 173,341 total reads

 173,341 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 209,149 total reads

 209,149 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,344 total reads

 38,344 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top