Website ng Comelec, ‘back to normal’ na matapos ma-hacked

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 405 total reads

Naibalik na sa normal ang operasyon ng website ng Commission on Elections (Comelec) matapos itong ma-hacked kagabi ng nagpakilalang mga miyembro ng grupong “Anonymous Philippines” kung saan pinalitan nila ang nilalaman ng kanilang mensahe.

Ayon kay Comelec chairman Andres Bautista, humingi na siya ng paliwanag sa kanilang IT Department kung paano nangyari ang hacking at kung paano hindi na ito maulit pa.

Dahil dito, nanawagan si Bautista sa mga IT experts na gumawa ng mga hakbang upang hindi na maulit ang hacking na hindi lamang nagaganap sa Comelec kundi sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno at ito ay hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

“Opo nangyari po yan kagabi, humingi na ako ng paliwanag mula sa aming IT department kung pano ito nangyari at ano ang gagawin namin para hindi na maulit ito, pero ngayon naibalik na daw yung website at functioning na, ito ay nangyayari hindi lamang sa Comelec kundi sa ibat ibang ahensya ng pamahalaan at hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo, pero dapat kinakailangan may ipinatutupad tayong safeguards para hindi maulit muli.” Pahayag ni Bautista sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa halip na opisyal na website ng poll body ang makikita, naging laman ng website ng Comelec na puspusang babantayan ng Anonymous Philippines ang nalalapit na halalan kayat kinakailangang ipatupad ng ahensiya ang lahat ng mga nasasaad sa batas hinggil sa automated elections.

Mensahe naman ng Comelec chairman sa mga nag-hacked na matagal na nilang ipinatutupad ang batas hinggil sa mga safeguards.

“Meron po, lahat daw ng safeguards dapat ilagay sa ating batas dapat ipatupad ng Comelec, yun naman sinasabi namin lahat ng safeguards ng nakasaad sa ating automated elections law sa R.A. 8436 as amended by 9369 lahat po yan, sisiguraduhin natin na nandiyan sa darating na halalan gaya ng digital signature, source code, resibo at marami pang iba, ipapatupad natin lahat , kaya kung sino man ang nag-hack I hope di na nilang gawin muli kasi nga andiyan na ang mga safeguards.” Dagdag pa ng Comelec chairman.

Nakatakda ang local and national elections sa May 9, 2016 elections na may 54.6 milyong rehistradong botante at mahigit 18,000 na posisyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 63,047 total reads

 63,047 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 111,743 total reads

 111,743 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 159,616 total reads

 159,616 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 263,561 total reads

 263,561 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 346,623 total reads

 346,623 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 309,868 total reads

 309,868 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 416,942 total reads

 416,942 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top