Pagmimisyon ng mga kandidato, dapat maging katulad ng pagmimisyon ni Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 480 total reads

Dapat matulad sa pagmimisyon ni Hesus na mayroong hirap at pasakit ang pagmimisyon na ninananais ng mga kandidato na maging lider ng bansa.

Ayon sa kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, Arsobispo ng Maynila, maging ang mundo ng pulitika ngayon ay punong-puno ng siraan at pang-aapak sa kapwa matupad lamang ang ambisyon na maluklok sa kapangyarihan.

Inihayag ni Cardinal Tagle na ang hangarin ng mga pulitiko ay ibang-iba sa pagtupad ng misyon ni Hesus na may paghihirap, pagdurusa at pagsasakripisyo upang makapaglingkod ng tapat sa sangkatauhan.

“Nakakalungkot, mukhang ganyan din ang takbo ng ating pulitika. Sige siraan na lang, totoo man o hindi bahala na basta mapabagsak mo yung isa at pagbagsak mo yung isa, tataas ka, natupad na! naganap na! Uhaw na uhaw sa posisyun, uhaw na uhaw sa tagumpay, uhaw na uhaw sa kayabangan!” pahayag ni Cardinal Tagle.

Iginiit ni Cardinal Tagle na ang pagmimisyon na may pagkauhaw sa tagumpay at kayabangan ay magpapahamak sa atin hindi tulad ni Hesus na tumupad ng misyon na may kaakibat na pagsasakripisyo at pagpapaalipin sa ngalan ng paglilingkod.

“Ang tumutupad sa misyun na makamundo magpapahamak hindi magliligtas. Pero nakakalimutan mauhaw sa misyun ayon sa Diyos, hindi misyon na dinidikta ng misyon, tanging ang nauuhaw at tumutupad sa misyon galing sa Diyos ang makapagliligtas,” pagninilay ni Cardinal Tagle

Pinaalalahan din ng Kanyang Kabunyian ang mga taong gumagamit sa Diyos upang pahirapan at pagsamatalahan ang kahinaan ng kapwa.

“Ang medyo nakalulungkot nga rin po may ibang mapagsamantala na ginagamit ang paghihirap ni Hesus para paghirapin ang kanilang kapwa. At sasabihin yan tularan mo si Hesus. Mga kumpanya na hindi ibibinigay ang tamang pasuweldo sa kanilang mga empleyado at habang naghihirap ang empleyado sasabihin ng boss okey yan nakikiisa ka sa pagahihirap ni Hesus. Mga babae na pinagsasamantalahan, binubusabos at pagkatapos sasabihan sila, tanggapin mo na lang yan napapalapit ka kay Hesus. Mag-ingat po tayo, hindi tinuro sa atin na tayo ay magbigay ng pagdurusa at paghihirap sa iba at gagamitin natin si Hesus. Si Hesus ay hindi nagpahirap ng kapwa,” pahayag pa ng Kardinal

Samantala, ang Simbahang Katolika ay nasa loob pa rin ng pagdiriwang ng taon ng awa at habag ng Diyos kung saan katatapos lamang ipagdiwang at gunitain ang mahal na araw, ang 40-araw na pag-aayuno para sa paghihirap sa krus, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo na siyang sandigan ng pananampalatayang katoliko sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 70,630 total reads

 70,630 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 118,757 total reads

 118,757 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 166,628 total reads

 166,628 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 270,575 total reads

 270,575 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 353,375 total reads

 353,375 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 96,950 total reads

 96,950 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 74,508 total reads

 74,508 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 112,990 total reads

 112,990 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top