Isabuhay ang mga aral ni St.John Paul II

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 706 total reads

Labis-labis ang pasasalamat ni Father Reginald Malicdem – Rector ng Minor Basilica of the Immaculate Concepcion, Manila Cathedral sa mainit na pagtanggap ng mga mananampalataya kay St. John Paul II sa pamamagitan ng kanyang first class blood relic.

Ayon kay Father Malicdem hindi niya akalaing matutupad ang pangako ni St. John Paul II na babalik ito sa Pilipinas, at sa pagkakataong ito ay sa pamamagitan ng kanyang blood relic.

“23 years ago nung huling dumating si Pope John Paul II noong 1995, bago sya umalis sa airport sabi niya, The Pope feels so well in the Philippines that he longs to come back sabi nya, but I don’t know how. 23 years after, he returned in the form of his blood,” pahayag ni Father Malicdem sa Radyo Veritas.

Dahil dito, hinihimok ng Pari ang mga mananampalataya na patuloy na pagnilayan at isabuhay ang mga aral na ibinahagi ng Santo Papa sa mga Filipino.

Ayon kay Father Malicdem, tunay na maipakikita ng mga mananampalataya ang kanilang pagmamahal kay St. John Paul II kung isasabuhay ng bawat isa ang kanyang mensahe na pagiging mapagmahal sa Panginoon at sa kapwa lalo’t higit sa mga mahihirap at mga dukha.

“Sana yung mensahe nya 23 years ago ay maging mensahe pa rin at paanyaya para sa ating lahat ngayon. Mahalin ang Diyos, tibayan ang pananampalataya sa Diyos, magmahalan ang bawat isa lalong-lalo na yung mga mahihirap yung mga dukha at ipagtanggol din yung dignidad ng buhay simula sa sinapupunan hanggang sa natural na kamatayan. Sana palaging umalingawngaw sa atin yung mensahe ni Pope John Paul II.” Dagdag pa ni Father Malicdem.

Nangako naman si Father Malicdem sa mga mananampalataya na muling magkakaroon ng public veneration ang Vial of Blood ni St. John Paul II at agad itong ipagbibigay alam sa publiko upang mabigyang pagkakataon ang lahat ng nagnanais na mag-alay ng panalangin.

Ang relic na ito ni St. John Paul II ang kauna-unahang blood relic sa Pilipinas.

Isa lamang ito sa tatlong relic ng mga Santo Papa na hiniling ng pamunuan ng Manila Cathedral sa Vatican na maging bahagi sa Simbahan para sa ika-60 anibersaryo ng muling pagkakatayo nito matapos ang digmaan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 56,210 total reads

 56,210 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 181,351 total reads

 181,351 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 266,718 total reads

 266,718 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 313,458 total reads

 313,458 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 361,324 total reads

 361,324 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 456,437 total reads

 456,437 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 14,912 total reads

 14,912 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 45,554 total reads

 45,554 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 38,417 total reads

 38,417 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top