Mahalin ang natatanging tahanan ng sangkatauhan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 494 total views

Ito ang panawagan ni Tuguegarao Archbishop Sergio Utleg, sa gitna ng kinakaharap na iba’t- ibang suliranin ng kalikasan dahil sa mapaminsalang gawain ng mga tao.

Ayon kay Archbishop Utleg, labis na ang dinaranas na kalupitan ng kapaligiran dahil sa walang habas na pagkonsumo ng tao.

Kaya kasabay ng nalalapit na pagdiriwang ng Earth Day binigyang diin ng Arsobispo na mahalagang mahalin, linisin at ibalik ang balanse ng daigdig dahil ito lamang ang nag-iisang tahanan ng lahat ng mga nilalang ng Panginoon.

“Let us take care of our common home our mother Earth, wala na tayong ibang tahanan kundi itong mundo natin, ito ay bigay, regalo sa atin ng Diyos, mahalin natin, linisin natin, pagandahin natin at alagaan natin.”  Pahayag ni Bishop Utleg sa Radyo Veritas.

Samantala, binigyang diin rin ni Boac, Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit, ang kahalagahan ng pagkakaisa ng lahat ng tao, anuman ang relihiyon o katayuan sa buhay upang magampanan ang responsibilidad na pangalagaan ang daigdig.

Naniniwala si Bishop Maralit na kung isasapuso ng bawat tao ang pagturing sa daigdig bilang ating tahanan ay mapananatili itong maayos, malinis at maganda.

“Ang nag-iisa nating tahanan ay bahagi talaga ng ating responsibilidad na pangalagaan, at hindi lamang basta pangalagaan kundi itaguyod bilang isang tahanan. As far as I know pag tahanan mo, you keep it clean, and make sure that it is maintained.”pahayag ni Bishop Maralit.

Umaasa din ang Obispo na sa pagdiriwang ng Earth day ay makikiisa ang lahat ng indibidwal at ipamamalas ang seryoso nitong pagtugon sa kinakailangang pag-aaruga ng kalikasan.

“I hope everybody will be part of this celebration of the Earth Day and not only on Earth day but a total, total talagang pagco-consider, pag-alala pagbibigay ng kakayanan nating lahat to take care of this single home that we have,” dagdag pa ng Obispo.

Ngayong Linggo ika-22 ng Abril gaganapin ang ika-48 taong paggunita sa Earth Day.

Inaasahang magtitipon-tipon ang milyun-milyong mga indibidwal sa iba’t-ibang bahagi ng mundo upang ipakita ang kanilang malasakit sa kalikasan.

Sa Pilipinas magkakaroon naman ng pagtitipon sa CCP Complex Pasay City, at mayroon ding mga workshops sa iba’t-ibang parokya ng Archdiocese of Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 173,888 total views

 173,888 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 151,521 total views

 151,521 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 215,657 total views

 215,657 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 235,398 total views

 235,398 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Lights! Camera! Action?

 155,227 total views

 155,227 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 317,915 total views

 317,915 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top