Malalaking usapin ng bansa, hindi pa napag-uukulan ng pansin ng mga kandidato sa pagkapangulo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 652 total reads

Nananatiling malawak na mga usapin ng pamamalakad sa bansa ang hindi nabibigyang pansin ng mga kandidato partikular na sa pagkapangulo.

Pagbabahagi ni UP Professor Leonor Briones–dating National Treasurer at Lead Convenor ng Social Watch Philippines, nananatiling walang inihahayag na posisyon ang mga kandidato sa pagkapangulo kaugnay ng ilang mahahalagang usapin tulad ng international at global issues sa kasalukuyan.

“Wala pa nga tayong nakikita na anong paninindigan nila sa mga international issues ngayon, aside from the domestic problems mayroong International at Global Problems tayo may sarili tayo regional problems hinggil sa relasyon natin sa China, so yan hahanapin pa natin yan sa future debates..” Ang bahagi ng pahayag ni UP Professor Briones, sa panayam sa Radio Veritas.

Paliwanag ni Briones, hindi biro ang pagbibigay pansin sa mga ganitong usapin lalo’t malawak ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga karatig bansa bukod pa sa malaking bilang ng mga Filipinong manggagawa o Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang bansa.

Giit pa ni Briones, mahalagang maging mapanuri ang mga mamamayan ngayong darating na halalan sapagkat maituturing na kritikal para sa kapakanan ng buong bayan ang muling pagbabago ng administrayon sa pamahalaan.

Samantala ayon sa Center for Migrant Advocacy Philippines, aabot sa 5,000 mga Pilipino ang lumalabas ng bansa kada araw na kung susumahin ay tinatayang aabot sa kabuuang 1.8-milyong Pilipino kada taon.

Una ng binigyang diin ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang kahalagahan ng mga OFW sa lipunan at kanilang malaking ambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Batay sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2015 tumaas pa ng 3.6 na porsyento ang OFW cash remittance na umabot sa 22.83-billion dollars kumapara sa 22.08-billion dollars noong 2014.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 18,558 total reads

 18,558 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 41,958 total reads

 41,958 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 78,459 total reads

 78,459 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 299,083 total reads

 299,083 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 332,686 total reads

 332,686 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top