BBL, Hindi dapat maging exclusive

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 477 total reads

Hinikayat ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad ang Kongreso na pag-aralang mabuti ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) na sinertipikahang urgent ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Arsobispo, mahalaga na ang iba’t-ibang sektor ng lipunan ay mabibigyan ng patas na oportunidad sa lahat ng aspekto ng BBL.

“BBL must not be exclusive and must give equal opportunities to everybody because a government that is exclusive is not a good government. A government is for the people and for the people and when you only choose a sector then it is destined to be a failure,” Ayon kay Archbishop Jumoad.

Kabilang sa tinukoy ng Arsobispo ay ang pagpili ng mga opisyal ng pamahalaan kung saan dapat ang lahat ay may pagkakataon na maging bahagi ng gobyerno.

“Positions should be based on credentials and not because of faith affiliations,” Paliwanag pa ni Archbishop Jumoad.

Nangangamba ang arsobispo na magkakaroon lamang ng panibagong pag-aaklas sa oras na may sektor na maisasantabi sa BBL.

“When you neglect a sector that is part of the government then be careful because there might be another rebellion that will come,” Ayon pa sa Arsobispo.

Ang pahayag ng arsobispo ay kasunod na rin ng pagsertipika ng Pangulong Rodrigo Duterte sa BBL bilang ‘urgent bill’ na nangangahulugan na hindi na kailangan pa ng 3-day period sa pagitan ng 2nd at 3rd reading bago maipasa ang isang panukala sa Kongreso.

Umaasa din ang palasyo na ang B-B-L ay malalagdaan ng Pangulong Duterte bago pa ang susunod na State of the Nation Address sa Hulyo.

Sa inilabas na pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) noong 2015, binigyang diin dito na ang pangmatagalang kapayapaan ay matatamo sa pamamagitan ng paggalang ng bawat isa maging Muslim, Kristiyano, Lumad at iba pang panananampalataya na nakabase sa katarungang panlipunan, pagkakaisa at kapayapaan.

Sa kasaysayan ng bansa, tinatayang may 40 taon na ang kaguluhan sa Mindanao na siyang pangunahing dahilan ng hindi pag-unlad ng rehiyon kung saan umaabot din sa higit 300 libo ang internally displaced dahil sa umiiral na karahasan at digmaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 22,928 total reads

 22,928 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 103,418 total reads

 103,418 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 197,645 total reads

 197,645 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 258,134 total reads

 258,134 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 270,848 total reads

 270,848 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top