Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga Obispo, Pari, Madre at Layko, hinimok na manindigan para sa katotohanan at katarungan

SHARE THE TRUTH

 244 total views

Nagpaabot ng pasasalamat sa mamamayan na nagbabantay at naninindigan para sa Konstitusyon at katarungan sa bansa si Rev. Fr. Robert Reyes – kilala bilang running priest at tagapag-salita ng religious group na Gomburza.

Giit ng Pari, hindi basta magtatapos ang isinasagawang pagkilos at pagsasakripisyo ng iba’t-ibang grupo at samahan sa harapan ng Korte Suprema upang isulong at ipakita ang kanilang paninindigan na hindi dapat balewalain o isantabi ang Saligang Batas ng Pilipinas na nagtatakda ng patas na mga karapatan at proteksyon sa bawat mamamayan.

“Taumbayan dapat noon pa natin binantayan ito sa lahat ng mga nagpunta dito at nagbantay at nagsakripisyo, simula lang ito ipagpapatuloy natin, sa mga darating na panahon…” pahayag ni Fr.Reyes sa panayam sa Radyo Veritas.

Matatandaang bago ang naging kontrobersyal na desisyon ng Korte Suprema patungkol sa Quo Warranto Petition laban kay dating Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ay ilang grupo mula sa iba’t-ibang ecumenical groups ang nagsagawa ng Dasal at Ayuno sa labas ng Kataas-taasang Hukuman upang bantayan ang hatol.

Matapos ang naging pagpabor ng mga mahistrado sa Quo Warranto Petition noong ika-11 ng Mayo ay patuloy pa ring nagsagawa ng pagkilos at aktibidad ang naturang grupo sa harapan ng Korte Suprema na tinatawag na Bantay Lamay o Lakbay Lamay.

Dahil dito muling umapela si Father Reyes sa mga Obispo, Pari, Madre at mga Layko na huwag lamang basta tumahimik at manuod sa mga nagaganap sa lipunan sa halip ay magsalita at magpahayag rin ng kanilang mga paninindigan.

Giit ng Pari, bilang mga pastol at lingkod ng Panginoon ay dapat na manguna ang mga lingkod ng Simbahan sa paninindigan para sa katotohanan, kalayaan at makatarungang kinabukasan ng bayan.

Nananawagan si Father Reyes sa mga Obispo, Pari, Madre at Layko na gumawa ng mga hakbang upang maipahayag ang kanilang paninindigan para sa bayan sa halip na basta na lamang manahimik habang ang bayan ay nanganganib mula sa mga nais na isantabi at pabagsagin ang Saligang Batas na nagbibigay proteksyon sa karapatan ng bawat mamamayan.

Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa paglaganap ng “Crisis of Truth” partikular na ang Fake News sa ating bansa at sa magkakasalungat na interpretasyon ng mga eksperto sa Saligang Batas na nagbubunga ng kaguluhan sa lipunan.

Read:  Pilipinas, nahaharap sa “Crisis of Truth”

Samantala, una na ring tiniyak ng Association of Major Religious Superior in the Philippines (AMRSP) ang pakikisangkot hindi lamang sa mga usaping panlipunan kundi maging sa pagbabantay sa makatotohanan, makatarungan at makataong pamamahala sa bansa.

Sa tala, ang AMRSP ay binubuo ng 283 kongregasyon, kabilang na dito ang 68 men congregations kung saan ang 18 kongregasyon ay itinatag dito sa Pilipinas.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 3,520 total views

 3,520 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 36,971 total views

 36,971 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 57,588 total views

 57,588 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 69,220 total views

 69,220 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 90,053 total views

 90,053 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TFDP, may bagong executive director

 13,004 total views

 13,004 total views Nagtalaga ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ng bagong executive director na mangangasiwa sa pagpapatuloy ng misyon ng organisasyon para sa

Read More »
Politics
Reyn Letran - Ibañez

Kalayaan, kaakibat ng responsibilidad

 6,871 total views

 6,871 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang responsibilidad na kaakibat ng tinatamasang kalayaan at demokrasya ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top