BBL, Hindi dapat maging exclusive

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 505 total reads

Hinikayat ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad ang Kongreso na pag-aralang mabuti ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) na sinertipikahang urgent ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Arsobispo, mahalaga na ang iba’t-ibang sektor ng lipunan ay mabibigyan ng patas na oportunidad sa lahat ng aspekto ng BBL.

“BBL must not be exclusive and must give equal opportunities to everybody because a government that is exclusive is not a good government. A government is for the people and for the people and when you only choose a sector then it is destined to be a failure,” Ayon kay Archbishop Jumoad.

Kabilang sa tinukoy ng Arsobispo ay ang pagpili ng mga opisyal ng pamahalaan kung saan dapat ang lahat ay may pagkakataon na maging bahagi ng gobyerno.

“Positions should be based on credentials and not because of faith affiliations,” Paliwanag pa ni Archbishop Jumoad.

Nangangamba ang arsobispo na magkakaroon lamang ng panibagong pag-aaklas sa oras na may sektor na maisasantabi sa BBL.

“When you neglect a sector that is part of the government then be careful because there might be another rebellion that will come,” Ayon pa sa Arsobispo.

Ang pahayag ng arsobispo ay kasunod na rin ng pagsertipika ng Pangulong Rodrigo Duterte sa BBL bilang ‘urgent bill’ na nangangahulugan na hindi na kailangan pa ng 3-day period sa pagitan ng 2nd at 3rd reading bago maipasa ang isang panukala sa Kongreso.

Umaasa din ang palasyo na ang B-B-L ay malalagdaan ng Pangulong Duterte bago pa ang susunod na State of the Nation Address sa Hulyo.

Sa inilabas na pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) noong 2015, binigyang diin dito na ang pangmatagalang kapayapaan ay matatamo sa pamamagitan ng paggalang ng bawat isa maging Muslim, Kristiyano, Lumad at iba pang panananampalataya na nakabase sa katarungang panlipunan, pagkakaisa at kapayapaan.

Sa kasaysayan ng bansa, tinatayang may 40 taon na ang kaguluhan sa Mindanao na siyang pangunahing dahilan ng hindi pag-unlad ng rehiyon kung saan umaabot din sa higit 300 libo ang internally displaced dahil sa umiiral na karahasan at digmaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 242,526 total reads

 242,526 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 274,255 total reads

 274,255 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 376,081 total reads

 376,081 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 416,642 total reads

 416,642 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 427,117 total reads

 427,117 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top