Prayer rally at protest action, ilulunsad ng Koalisyon laban sa Cha-Cha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,381 total reads

Nanawagan ng pakikiisa ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa nakatakdang Prayer Rally and Protest Action Against Charter Change na kauna-unahang pagkilos ng bagong lunsad na Koalisyon Laban sa ChaCha: Simbahan at Komunidad Laban Sa ChaCha (SiKLab).

Ayon kay Caritas Philippines Executive Director Rev. Fr. Antonio Labiao Jr., mahalaga ang aktibong partisipasyon ng taumbayan upang mabantayan at hindi maisakatuparan ng iilan ang mga pansariling interes na nakapaloob sa isinusulong na pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Bilang nagkakaisang Simbahan at komunidad laban sa Charter Charter ay nanawagan ng suporta ang Pari sa isasagawang prayer rally sa ika-22 ng Pebrero, 2024 ganap na na alas-otso ng umaga sa Plaza Roma sa Intramuros, Manila na nasa harapan ng Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral at tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC).

“Panawagan na makilahok ngayon mayroon tayong activity sa February 22, 2024 at ito po ay isang pagpapakita ng ating solidarity as Simbahan churches and communities coming together for prayer, gagawin ito sa Plaza Roma sa Intramuros.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Labiao.

Ibinahagi ni Fr. Labiao na bukod sa paninindigan laban sa isinusulong na Charter Change ay layunin din ng gawain na manawagan at ipanalangin ang mga bumubuo sa Commission on Elections (COMELEC) upang maging mapagbantay at manindigan sa People’s Initiative.

“So ito rin ay panawagan natin sa COMELEC people to help us and they should also be vigilant na hindi sila magamit ng mga grupo na ang layunin ay pansarili, so that COMELEC can champion also yung mga prinsipyo, mga paninindigan ng kowalisyon, sana maging katulong natin sila, so ipagdasal at suportahan ang lahat ng mga inisyatiba para sa pagpapatatag ng ating mga komunidad laban sa mga pekeng inisyatibo o People’s Initiative.” Dagdag pa ni Fr. Labiao.

Sa tala ng COMELEC, bago pansamantalang sinuspende ang lahat ng gawain kabilang ang pagtanggap ng mga ‘signature forms’ na may kaugnayan sa People’s Initiative ay nakatanggap na ang ahensya ng signature forms mula sa 1,072 munisipalidad at siyudad sa buong bansa.

Tinagurian bilang Koalisyon Laban sa Chacha! binubuo ang nasabing kowalisyon ng may 40-grupo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na kinabibilangan ng mga church groups at people’s movement sa bansa na pawang naninindigan sa pagpapahalaga sa Saligang Batas ng Pilipinas na nagsisilbing sandigan ng mga karapatan, kalayaan at demokrasyang tinatamasa ng bansa.

Kabilang sa mga organisasyon at grupo ng Simbahan na kasapi ng kowalisyon ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines sa ilalim ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace o Caritas Philippines; Sangguniang Laiko ng Pilipinas; Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP); Simbahang Lingkod ng Bayan (SLB); at CMSP – Conference of Major Superiors in the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 46,432 total reads

 46,432 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 131,797 total reads

 131,797 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 178,533 total reads

 178,533 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 226,405 total reads

 226,405 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 328,158 total reads

 328,157 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top