Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katotohanan magdudulot ng pagkakaisa ng mga Filipino

SHARE THE TRUTH

 323 total views

Hinimok ni Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez, Chairman ng Ecumenical Bishops Forum ang publiko na hanapin ang katotohanan bago ang paghuhusga sa sitwasyon na nangyayari sa bansa.

Ang reaksyon ng obispo ay kaugnay na rin sa pahayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ‘crisis of truth’ na kinakaharap ng sambayanang Filipino dulot ng pagkakaiba sa mga katotohanang na pinaniniwalaan.

Sang-ayon din si Bishop Iñiguez sa panukala ni Cardinal Tagle na bumuo ng grupo at pag-aralan muna ang mga sitwasyon at hanapin ang katotohanan sa pamamagitan ng matibay na batayan.

“We should always look for the truth, and it is the truth that should be basis of our decisions not anything else,” ayon kay Bishop Iñiguez.

Unang naglabas ng pastoral letter ang Cardinal bunsod ng pagkakahati-hati ng mamamayan dahil na rin sa magkakaibang interpretasyon ng publiko at maging ng mga eksperto sa batas.

Giit pa ng obispo, ang iba’t ibang interpretasyon sa katotohanan ang nagdudulot ng pagkakahati-hati subalit ang tunay na katotohanan din ang magbubunsod sa pagkakaisa ng bawat Filipino.

“So, I would like to say that kaya sila nagkakahihiwa-hiwalay, iba-iba yung kanilang mga iniisip, iba-iba ang kanilang mga convictions, so what would say is that there is a truth as citizens of the country na dapat na nag u-unite sa atin. I think that is the greater factor that should influence us so that we always work together for the good of the people, for the good of the country,” ayon kay Bishop Iniguez.

Ilan sa mga isyung nais na talakayin sa mungkahing ‘study group’ ng cardinal ay ang ‘charter change’, pederalismo at quo warranto petition-na siyang ginamit na proseso sa pagpapatalsik kay dating Supreme Court chief Justice Maria Lourdes Sereno sa botong 8-6.

Sa inilabas na pastoral letter ni Cardinal Tagle noong Pentecost Sunday, idineklara rin niya ang petsa na May 20-31 bilang mga araw ng pag-aayuno at pagdarasal sa hangaring makamit ang katotohanan at kabutihan para sa mas nakakarami.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,075 total views

 5,075 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 21,662 total views

 21,662 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 23,031 total views

 23,031 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 30,705 total views

 30,705 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,209 total views

 36,209 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Dating pangulong Duterte got what he wanted

 13,599 total views

 13,599 total views Matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court (ICC), sinabi ng isang opisyal ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 13,599 total views

 13,599 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top