Sinong dapat manguna sa pagbangon ng Marawi?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,085 total views

Mga Kapanalig, inalala natin noong nakaraang linggo ang unang taon ng pagsisimula ng madugong Marawi siege, ang unang araw ng pagsakop ng Maute-ISIS group sa makasaysayang lungsod na nagbunsod ng paglulunsad ng pamahalaan ng marahas na pag-atake roon at pagdedeklara ng batas militar sa buong Mindanao.

Ngunit para kay Pangulo Duterte, mas nais raw niyang ipagdiwang ang unang taon ng pagpapalaya sa nag-iisang Islamic City sa ating bansa sa halip na ang unang taon ng pagsisimula ng gulo roon. Pero iba ang pagdiriwang sa pag-alala. Ang unang anibersaryo ng Marawi siege ay ang pag-alala natin sa 168 na sundalong nasawi at sa 47 inosenteng sibilyang nasawi sa gitna ng bakbakan. Pag-alala rin natin ito sa libu-libong kapatid nating Maranao na napilitang lisanin ang kanilang mga tahanan nang walang tiyak na pupuntahan, at marami sa kanila ang hanggang ngayo’y hindi pa rin nakababalik sa Marawi. Natapos ng pamahalaan sa loob ng 148 na araw ang giyerang sinimulan nito, ngunit nagpapatuloy ang libu-libong kababayan nating naakpektuhan ng gulo na buuing muli ang lahat ng nasira sa kanilang buhay. Sila ang inaalala natin sa unang taon ng Marawi siege.

Malaking hamon ang muling pagbangon ng Marawi. Ayon sa National Economic and Development Authority o NEDA, aabot sa 11.5 bilyong piso ang halaga ng nasirang ari-arian dahil sa giyera. Hindi pa riyan kasama ang pinsalang idinulot nito sa pag-aaral ng mga bata at sa paghahanapbuhay ng mga magulang. Tinatayang aabot sa 75 bilyong piso ang gugugulin para sa rehabilitasyon ng Marawi—hindi birong halaga ito, mga Kapanalig, kaya’t kailangang bantayan ang paggamit nito.

Dahil ang buhay at kinabukasan ng mga mamamayan ng Marawi ang nakasalalay sa pagbangon ng Marawi, mahalagang kalahok sila sa pagbubuo ng pamahalaan ng isang rehabilitation masterplan. Ayon nga sa isang pag-aaral para sa Asia Foundation, ang pinaka-epektibong paraan ng rehabilitasyon ay ang tinatawag na community-led rehabilitation o ang muling pagbangon na pinangungunahan ng mga tao, ng mga pamayanan.

Ngunit gaya ng nangyayari ngayon sa Boracay, hindi malinaw sa mga kababayan natin sa Marawi ang tunay na plano ng pamahalaan. Ang masama pa, hindi raw nakakasama sa mga konsultasyon ang mga residente ng Marawi, kaya’t walang katiyakan kung magiging angkop sa kultura ng mga Maranao ang itatayong “bagong lungsod.” Maliban sa hindi naging makahulugan ang pakikilahok ng mga mamamayan ng Marawi sa pagpaplano, karamihan sa mga itinalaga ni Pangulong Duterte sa Task Force Bangon Marawi, na siyang susuri at pipili ng mga contractors na magsasagawa ng bilyong-pisong rehabilitasyon sa Marawi, ay walang karanasan sa pagtatasa ng mga teknikal na kontrata at sa pangangasiwa ng pampublikong pondo. Kapakanan kaya talaga ng mga taga-Marawi ang isinasaisip ng pamahalaan?

Ang pakikilahok ng mga Maranao sa pagtatayong muli ng kanilang lungsod ay bahagi ng kanilang karapatan sa kaunlaran o “right to development.” May tatlong salik ang pagkamit ng karapatang ito ayon sa dokumentong Justice in the World na bunga ng Synod of Bishops noong 1971. Una, hindi dapat hinahadlangan ang mga taong umunlad ayon sa kanilang kultura. Ikalawa, sa pamamagitan ng pagtutulungan o mutual cooperation, ang mga tao ang silang dapat manguna, maging “principal architects” ‘ika nga, ng kanilang pag-unlad. Ikatlo, dapat na nakikipagtulungan ang bawat isa sa iba sa pagkamit ng kagalingan ng lahat o ang common good. Batay sa mga pamantayang ito, mukhang hindi maaninag sa ginagawang rehabilitasyon ng Marawi ang pagkilala ng pamahalaan sa karapatan ng mga Maranao sa kaunlaran.

Mga Kapanalig, hindi lamang tungkol sa pagtatayo ng mga bahay at mga gusali o pagsasaayos ng mga kalsada ang pagbangon ng Marawi. Tunay na makababangon ang Marawi kung aktibong makalalahok ang mga mamamayan nito at hindi lamang aasa sa ibibigay ng mga taong sumira sa kanilang lungsod.
Sumainyo ang katotohanan.

Nasaan ang pangakong maginhawang buhay, katanungan ng inter-religious groups kay PBBM

 19,215 total views

Nanawagan ang mga lider ng iba’t ibang pananampalataya sa pamahalaan na tugunan ang patuloy na kahirapan, korapsyon, at kawalan ng pananagutan habang naghahanda ang bansa sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27.

Sa nagkakaisang pahayag para sa SONA ng Sambayanan 2026, sinabi ng Inter-religious Leaders’ Council for National Transformation (IRLCNT) at White Ribbon Movement (WRM) na dapat suriin ang kalagayan ng bansa batay sa tunay na karanasan ng mga Pilipino, lalo na ng mga mahihirap na patuloy na humaharap sa mataas na presyo ng bilihin at kakulangan sa oportunidad.

Binigyang-diin ng grupo na bagama’t idineklara ang Pilipinas bilang upper middle income country, nananatili pa rin ang malaking bilang ng mga pamilyang nagsasabing sila ay mahirap.

Marami ring manggagawa ang nakararanas ng mababang sahod, kawalan ng seguridad sa trabaho, at paglabag sa karapatan sa paggawa.

“Nasaan na ang pangakong maginhawang buhay, ang Bagong Pilipinas para sa bawat Pilipino? Upper middle income country na raw tayo, pero sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey, 52% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila’y mahirap,” pahayag ng grupo.

Ayon sa religious leaders na pinangungunahan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairperson ng IRLCNT, at Bishop Efraim Tendero, Global Ambassador ng World Evangelical Alliance, nananatiling malaking hamon ang kalagayan ng mga magsasaka, lumalaking utang ng bansa, at kakulangan sa batayang serbisyo.

Iginiit din ng grupo na kailangang tugunan ang patuloy na banta sa mga pamayanan at kalikasan dulot ng ilang malalaking proyekto, lalo na ang mga nakaaapekto sa mga pamayanan at mga lupaing ninuno.

“Higit sa pagpapalit ng tao, kailangan ang makabuluhang pagbabago sa sistemang panlipunan. Kabilang sa aming panawagan ay ang nakabubuhay na sahod at sapat na kita, mababang buwis at presyo ng mga bilihin, de-kalidad na edukasyon, libreng serbisyong pangkalusugan, at murang pabahay,” ayon sa pahayag.

Nanawagan din ang IRLCNT at White Ribbon Movement na papanagutin ang lahat ng sangkot sa mga alegasyon ng korapsyon, kabilang ang kontrobersiya sa flood control projects.

Iginiit ng grupo na dapat mabawi ang mga pondong nawala sa kaban ng bayan at ilaan sa mga serbisyong kailangan ng mamamayan tulad ng edukasyon, kalusugan, agrikultura, pabahay, at proteksyong panlipunan.

“Kasuhan at parusahan ang lahat ng korap at abusado sa gobyerno. Bawiin ang nakaw na yaman at unahin sa pambansang badyet ang kapakanan ng mamamayan,” dagdag ng grupo.

Bilang paghahanda sa SONA ng Sambayanan 2026, hinimok ng mga lider ng iba’t ibang pananampalataya ang publiko na makiisa sa panawagan para sa mas malalim na repormang panlipunan, kabilang ang pagpapatibay ng Anti-Dynasty Law, pagbabago sa sistema ng halalan, at pagbibigay-prayoridad sa kapakanan ng mamamayan higit sa interes ng iilang makapangyarihang grupo.

Pagbabagong loob at synodality, misyon ng PCNE XII

 21,559 total views

Iginiit ni Naval Bishop Rex Ramirez na ang tunay na layunin ng 12th Philippine Conference on the New Evangelization (PCNE XII) ay hindi lamang ang pagtalakay sa temang Sangkay o pagkakaibigan, kundi ang pagsasabuhay ng pagbabagong nakabatay sa mas malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa kapwa.

Sa kanyang keynote address sa pagbubukas ng PCNE XII sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion, binigyang-diin ng obispo na ang pagkakaibigan ay nagsisilbing daan upang maisakatuparan ang panawagan ng Simbahan para sa patuloy na pagbabagong-loob at synodality.

“We are not gathered here simply because of the word ‘Sangkay.’ We are here because of conversion. More specifically, because of relational conversion,” ayon kay Bishop Ramirez.

Paliwanag ng obispo na ang synodality ay hindi lamang isang programa o istruktura ng Simbahan kundi isang espirituwal na paglalakbay ng patuloy na pagbabagong-loob na nagsisimula sa tunay na pakikipag-ugnayan kay Hesus.

Kinilala ni Bishop Ramirez ang hangarin ng PCNE na nagbibigay-diin sa konsepto ng pagkakaibigan bilang susi sa misyon ng ebanghelisasyon.

“I truly believe that the distinctive contribution of this 12th Philippine Conference on the New Evangelization is precisely this emphasis on the word ‘friend’ as the key to understanding relational conversion. After all, is not the New Evangelization fundamentally an invitation for each of us to renew our friendship with Jesus—and with one another?” ani ng obispo.

Binigyang-diin din ng obispo na ang unang hakbang sa tunay na pagbabago ay ang pagpapanibago ng pakikipagkaibigan kay Kristo.

“The first conversion, I would suggest, is conversion to friendship with Christ. After all, friendship with Him is a vocation,” giit ni Bishop Ramirez.

Ipinaliwanag ni Bishop Ramirez na ang pagkakaibigan kay Kristo ang pundasyon ng lahat ng relasyon sa loob ng Simbahan at ng misyong ipahayag ang Mabuting Balita.

Binanggit din ng obispo ang katuruan ni Pope Leo XIV na nagsasabing ang tunay na pagkakaibigan ay nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay.

Ayon sa obispo, ito rin ang diwa ng isang Simbahang sinodal, kung saan kinikilala ang pantay na dignidad ng lahat ng bininyagan, anuman ang kanilang tungkulin o katayuan sa buhay.

Hamon ni Bishop Ramirez sa mga pinuno ng Simbahan na yakapin ang isang pamamaraang nakabatay sa pakikipagkapwa-tao kaysa sa pagpapairal ng kapangyarihan.

“The Church is, of course, hierarchical. Can you imagine your boss becoming your friend? That requires conversion… Friendship places people on the same level. Jesus Himself did precisely that,” giit ng obispo.

Aniya, ipinamalas mismo ni Hesus ang ganitong uri ng pamumuno nang tawagin Niya ang Kanyang mga alagad na mga kaibigan at ibinaba ang Kanyang sarili upang makasama at makihalubilo sa kanila.

Iginiit din ng obispo na ang ebanghelisasyon ay hindi lamang paghahatid ng kaalaman kundi pagbubuo ng tunay na ugnayan sa pamayanan.

“Preaching the Gospel is never simply communicating information; it is an act of friendship,” ayon pa sa obispo.

Kasabay nito, hinimok ni Bishop Ramirez ang mga mananampalataya na suriin din ang kanilang pag-unawa sa pagkakaibigan sapagkat maging ito ay nangangailangan ng pagbabagong-loob.

Hinamon ng obispo ang libu-libong delegado ng PCNE XII na isabuhay ang kanilang mga matutuhan sa pagtitipon.

“This is already the 12th Philippine Conference on the New Evangelization. Every year we gather. Every year we listen. Every year we learn. But the real question is: What are we going to do after this conference?… Don’t postpone action. Live it,” hamon ni Bishop Ramirez.

Binigyang-diin pa ni Bishop Ramirez na ang paglalakbay ng bawat Kristiyano ay hindi dapat isagawa nang nag-iisa kundi sa pakikipagkaibigan at pakikipaglakbay sa kapwa.

“The Christian journey is never meant to be walked alone. We need companions who encourage us, strengthen us, correct us, and accompany us. That is also the vision of a synodal Church—a Church that journeys together,” aniya.

Ginanap ang PCNE 12 sa University of Santo Tomas sa temang “Sangkay: Called to Be Friends in Christ”, na layong palalimin ang diwa ng pagkakaibigan bilang daan tungo sa pagbabagong-loob, sa misyon, at sa pagbuo ng isang higit na sinodal na Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Tutulan ang mining exploration sa Giporlos at Balangiga, panawagan ng Diocese of Borongan sa lokal na pamahalaan

 23,026 total views

Nanawagan ang Diocese of Borongan sa mga lokal na pamahalaan ng Giporlos at Balangiga sa Eastern Samar na magpasa ng mga resolusyong tumututol sa mga aktibidad ng pagmimina kasunod ng pag-apruba ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa isang exploration permit sa dalawang bayan.

Sa pastoral position statement ng Borongan Diocesan Commission on Social Action–Justice and Peace (DCSA-JP), na inendorso ng Samar Island Partnership for Peace and Development (SIPPAD), sinabi ng diyosesis na bagama’t para lamang sa mineral exploration ang ipinagkaloob na permit na sumasaklaw sa humigit-kumulang 902.99 ektarya sa Giporlos at Balangiga, maaari itong maging unang hakbang tungo sa aktuwal na pagmimina.

“While the permit authorizes mineral exploration—not commercial mining—it marks the beginning of a process that may lead to mineral extraction. This makes it both timely and necessary for our communities and local government units to discern and express their position,” ayon sa Borongan DSCA-JP.

Binigyang-diin ng diyosesis na ang pangangalaga sa kalikasan ay isang moral na pananagutan at hindi dapat maisantabi ang kapakanan ng tao at ng mga susunod na henerasyon kapalit ng mga pangakong pang-ekonomiya.

Ayon pa sa pahayag, paulit-ulit nang napatunayan sa Samar ang mga panganib na kaakibat ng pagmimina batay sa karanasan ng mga pamayanan sa Bagacay, Homonhon Island, Manicani Island, at iba pang lugar na naapektuhan ng pagmimina at mineral exploration.

Kabilang sa mga posibleng epekto nito ang pagkasira ng kagubatan at watershed, kontaminasyon ng mga ilog at karagatan, pagkawala ng sakahan at pangisdaan, pagtaas ng panganib ng pagbaha, pagguho ng lupa, gayundin ang pagkakaroon ng hidwaan sa mga komunidad.

“Learning from the experiences of Bagacay, Homonhon, and Manicani, we believe that protecting our environment today is an act of justice for present and future generations,” ayon sa diyosesis.

Binigyang-diin ng Diocese of Borongan ang mahalaga ang pangangalaga sa likas na yaman ng Eastern Samar bilang panangga laban sa kalamidad at mahalagang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mamamayan.

Dahil dito, hinimok ng diyosesis ang mga Sangguniang Bayan ng Giporlos at Balangiga, gayundin ang mga barangay, na magpasa ng mga resolusyong tututol sa pagmimina upang mapangalagaan ang kalikasan at kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

Nanawagan din ang simbahan sa iba’t ibang sektor na magkaisa sa pagsusulong ng kaunlarang kumikilala sa dignidad ng tao, pangangalaga sa sangnilikha, at kabutihang panlahat.

“The Diocese of Borongan remains steadfast in promoting peace, justice, and responsible stewardship of our common home,” saad ng diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 36,900 total views

 36,900 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 65,191 total views

 65,191 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 111,122 total views

 111,122 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 144,205 total views

 144,205 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 170,146 total views

 170,146 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 355,371 total views

 355,371 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top