Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Botante hindi pa rin natututo sa paghalal ng karapat-dapat na pinuno-Bishop Gaa

SHARE THE TRUTH

 28,060 total views

Isang araw matapos ang halalan, naniniwala si Novaliches Bishop Roberto Gaa na hindi pa lubos na natutututo ang mga botante sa pagpili ng mga karapat-dapat na pinuno ng pamahalaan.

Ayon kay Bishop Gaa, bagama’t may kaunti nang pagbabago ay marami pa rin ang ibinabase ang kanilang pagpili ng ihahal sa popularidad, kamag-anak at mga kakilala.

“Parang in-process po siya. Pero sa ngayon po sa tingin ko po ay hindi pa rin ganu’n ka-mature ang ating mga bumuboto dahil nga po ay nadadala pa rin sila sa popularity. Hindi tayo tumitingin masyado sa track-record. Kasi para sa akin track-record ang pinaka-importante nating tignan sana ng mga bumuboto. Kasi sinasabi nyan kung paano na siya naglingkod,” ayon kay Bishop Gaa sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radyo Veritas.

Iginiit ng obispo sa pamamagitan ng track record ay makikita kung paano ang kanyang buhay-paglilingkod bilang bahagi ng pamayanan.

Sa katatapos na halalan, muli namang ipinapaalala ni Bishop Gaa sa mga mananampalataya na hindi nagtatapos ang tungkulin ng mga botante sa pakikibahagi sa eleksyon.

Hinimok ng obispo ang bawat isa na patuloy na maging mapagmatyag at bantayan ang bagong halal na opisyal sa kanilang mga gawain at ang ipinangakong tungkulin sa nasasakupan.

“Iyong monitoring at pagsubaybay sa ating mga kandidato, tinutupad ba nila yung kanilang ipinangako? Maayos ba ang kanilang gawa? Yung kanilang proyekto, tama ba ang pagkagastos ng pera?” ayon pa kay Bishop Gaa.

Ito ay mahalagang bahagi ng mamamayan sa pakikilahok sa good governance, na mabantayan at mapanagot ang mga opisyal ng pamahalaan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,591 total views

 73,591 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,586 total views

 105,586 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,378 total views

 150,378 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,325 total views

 173,325 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,723 total views

 188,723 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 800 total views

 800 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,854 total views

 11,854 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV: ‘War is never holy’

 38,312 total views

 38,312 total views Nanawagan si Pope Leo XIV para sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga bansa at relihiyon sa pandaigdigang pagtitipon ng Community of

Read More »
Scroll to Top