Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kamara, kinondena ang pagpaslang sa mamamahayag sa Misamis

SHARE THE TRUTH

 31,668 total views

Naninindigan si House Speaker Martin Romualdez na ang kalayaan ng pamamahayag ay ang pundasyon ng demokrasya ng bansa.

Kinondena rin ng pinuno ng Mababang Kapulungan ang pinakahuling insidente ng pagpatay sa isang mamamahayag sa Misamis Occidental na si Juan Jumalon o mas kilala bilang DJ Johny Walker ng 94.7 Calamba Gold FM ay pinaslang ng hindi pa nakikilalang salarin habang nagpoprograma at aktwal na napanood ng marami dahil sa livestreaming.

Giit ng mambabatas, bawat mamamahayag ay may karapatan na ipahayag ang kanilang propesyon at adbokasiya ng may kalayaan, walang takot at panganib sa kanilang buhay.

Dagdag pa ni Romualdez, ang anumang karahasan laban sa miyembro ng media ay hindi katanggap-tanggap kaya’t marapat lamang na mapanagot ang may kagagawan ng pagpaslang.

“The freedom of the press is a cornerstone of our democracy. Every journalist deserves the right to exercise their profession without fearing for their safety or their lives. Any attack or violence against members of the media is unacceptable and deeply troubling. We must ensure that those responsible for these heinous acts are brought to justice,” ayon pa kay Romualdez.

Tiniyak din ng pinuno ng kamara ang suporta at pagtiyak ng kaligtasan ng mga mamamahayag sa paghatid ng mga pangyayari sa bansa.

Sa ulat ng Committee to Protect Journalist, simula 1986 hanggang 2022 umaabot na sa 158 mamamahayag ang nailat na napaslang sa Pilipinas.

Una na ring binigyang pagkilala ng Santo Papa Francisco na ang pamamahayag ay isang marangal na propesyon bilang daluyan ng katotohanan sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,438 total views

 6,438 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,422 total views

 24,422 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,359 total views

 44,359 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,552 total views

 61,552 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,927 total views

 74,927 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,506 total views

 16,506 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,507 total views

 16,507 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 10,846 total views

 10,846 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »
Scroll to Top