Pinuno ng pamahalaan, simbahan; dapat tugunan ang tungkulin sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,311 total reads

Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang lahat ng lider ng pamayanan maging ang simbahan na gampanan ang kanilang mga tungkulin.

Ayon kay CBCP Office on Stewardship Chairperson, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang pagiging lider ay may kaakibat na pananagutan sa Diyos kaya’t mahalagang gampanan ito nang buong katapatan.

“Malaki ang pananagutan sa Diyos tayong may mga leadership roles. Tayo ay katiwala ng ating posisyon at ito ay isang responsibilidad.” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo.

Sinabi ng obispo na dapat paninindigan ng mga lider ang tiwalang ibinigay ng Diyos upang pangasiwaan ang pamayanan at huwag sayangin ang pagkakataong paglingkuran ang kapwa.

Ayon pa kay Bishop Pabillo bukod sa mga halal na lider ng bayan kabilang na rin dito ang mga pastol ng simbahan, mga guro, magulang at iba pang indibidwal na inatasang mamuno sa mga komunidad na kinabibilangan.

Tinuran ng opisyal ng CBCP ang katatapos na barangay at sangguniang kabataan elections kung saan hinamon ang mga nanalong indibidwal na gampanan ang kanilang tungkulin sa pamayanan lalo na ang pag-unlad ng mga barangay at paglingap sa bawat nasasakupan.

“Ang pagiging leader ay service natin sa iba at hindi para sa ating sariling kapakinabangan.” giit ni Bishop Pabillo.

Giit pa ng obispo, dapat pagnilayan ng mga lider ang kanilang uri ng pamumuno kung naisasabuhay ang pagiging pinuno at nagampanan ang mga tungkulin sa pamayanang gabayan ang nasasakupan.

Sa nakalipas na BSKE naihalal ang mahigit sa 42 libong barangay kapitan at sangguniang kabataan chairperson at mahigit sa 300, 000 kagawad sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,088 total reads

 77,088 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,335 total reads

 155,335 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 188,782 total reads

 188,782 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,079 total reads

 224,079 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,523 total reads

 447,523 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top