Caritas Manila, GMA Network, magtutulungan para sa mga nangangailangan

SHARE THE TRUTH

 16,123 total views

Nagkasundo ang Caritas Manila at GMA Network para paigtingin ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Ito ay sa pamamagitan ng paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ni Fr. Anton CT Pascual at kinatawan mula sa GMA Network Incorporation kabilang na ang pakikiisa sa programa ng social arm ng Archdiocese of Manila na Segunda Mana.

Ang Segunda Mana program ay ang pangunahing pinagmumulan ng ponddo ng Caritas Manila para tustusan ang pangangailangan ng may 5,000 scholar kada taon sa ilalim ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP.

“Talagang matagal na nating partner ang GMA Kapuso sa pagtulong sa mga mahihirap at ang kanilang total support sa Caritas Manila YSLEP Program at ito ay sa pamamagitan ng ating matagumpay na Segunda Mana, Donation in kind Program ng Caritas Manila kaya’t sa atin pong mga manunuod, mga kamay-ari, mga Kapuso pwede po tayong mag-abuloy ng anumang mga gamit natin na may halaga at magagamit pa ng iba,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Pascual.

Ayon naman kaz Ms.Angela Javier Cruz – GMA Vice-president, Head Corporate Affairs and Communication, mahalaga ang pagtutulungan lalo na at hindi nalalayo ang adbokasiya ng Caritas Manila sa gawain ng GMA Network na paunlarin ang antas ng pamumuhay ng mga pinakamahihirap at mapag-aral ang mas marami pang kabataan.

“We are very happy with our partnership with Caritas Manila because like GMA we are both deeply rooted in faith, and we have, part of our advocacies is to help our less fortunates country-men as well as promote our sustanaibility projects, you know everybody know the 3rs, reduce, reuse and recycle, so with this we encoureaged the GMA Employees to support the Segunda Mana of Caritas Manila and off course we need to educate everybody that when we donate sana yung magagamit pa, hindi yung tinatawag natin na hindi na resuable o medyo basura na, so we are very happy with the first wave of donation, we will be giving computers that are in good working condition as well as computer chairs,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Ms.Cruz.

Kasama rin sa paglagda sa kasunduan sila Caritas Manila, Financial Stewardship Division Head Ms.Rye Zotomayort, GMA First Vice President for Supply Asset and Management Department Ms.Vicky Arradaza at GMA Officer incharge of ICT department Mr.Edwin Jimenez.

Patuloy din ang Caritas Manila sa pakikipagtulungan sa iba pang pribadong kompanya, insitusyon, Non-Government Organization at religious groups at iba pang grupo upang higit na mapalawak ang pagtulong sa mga mahihirap.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,696 total views

 14,696 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,216 total views

 32,216 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,792 total views

 85,792 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,031 total views

 103,031 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 117,520 total views

 117,520 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,058 total views

 22,058 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

YSLEP, kinilala ng MOP

 11,079 total views

 11,079 total views Kinilala ng Military Ordinariate of the Philippines ang Caritas Manila Youth Servant Leader and Education Program o YSLEP TELETHON 2025. Ayon kay M-O-P

Read More »
Scroll to Top