Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Napapaslang sa Gaza, umaabot na sa walong libo; Santo Papa, muling nanawagan ng ‘tigil putukan’

SHARE THE TRUTH

 33,357 total views

Muling umapela ng ‘ceasefire’ ang Santo Papa Francisco sa digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group gayundin sa iba pang mga bansa na may kaguluhan.

Umaasa ang pinunong pastol ng simbahan na maisulong ang mga hakbang na makatutulo upang ng mahinto ang tunggaliang nagdudulot ng labis na pinsala sa tao at sa pamayanan lalo na sa Gaza.

“I hope that all avenues will be followed so that the conflict can absolutely be avoided, the wounded can be helped and aid can reach the population of Gaza, where the humanitarian situation is very serious.” bahagi ng pahayag ni Pope Francis.

Mula nang sumiklab ang digmaan sa Israel noong October 7 mahigit na sa 8, 000 ang nasawi sa magkabilang panig kabilang na ang mga inosenteng sibilyan lalo na ang mga kabataan.

Sa ulat naman ng United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees nasa 79 kawani ng United Nations ang nasawi sa Gaza na nagsagawa ng relief operations sa mga naiipit sa kaguluhan.

Dalangin ni Pope Francis ang kahinahunan at kaliwanagan ng isip ng mga lider ng magkabilang panig upang piliin ang landas ng pagkakasundo tungo sa pagkakamit ng kapayapaan sa lipunan.
Kaisa naman ang simbahan ng Pilipinas sa pananalangin para sa kapayapaan ng mga bansa sa Middle East at Europa na may mga karahasang nararanasan gayundin ang kaligtasan ng mga Pilipinong patuloy naiipit sa digmaan.

Ayon sa datos ng Department of Migrant Workers nasa 119 na mga OFW na ang nakauwi sa bansa mula sa 185 Pilipinong humiling ng repatriation.

Inaasahang mapagkakalooban ng 50-libong pisong tulong pinansyal ang mga umuwing OFW mula sa Overseas Workers Welfare Administration na makatutulong sa pagsisimula ng kabuhayang makatutulong sa pamilya.

Sa tala ng DMW nasa 30, 000 ang mga Pilipino sa Israel na karamihan ay caregivers habang isang porsyento ang mga nagtatrabaho sa mga hotel.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 13,978 total views

 13,978 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 33,915 total views

 33,915 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,175 total views

 51,175 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,711 total views

 64,711 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,291 total views

 81,291 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,480 total views

 7,480 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 21,913 total views

 21,913 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top