Ang tunay na kalayaan ay paglaya ng tao sa kasalanan, poot, pagkamakasarili at hopelessness- Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,229 total reads

Binigyang-diin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang tunay na kalayaan ay hindi lamang nakatuon sa aspetong pampulitika kundi sa pagpapalaya ng tao mula sa kasalanan, poot, pagkamakasarili, at kawalan ng pag-asa.

Sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus sa National Shrine of the Sacred Heart sa Makati City noong June 12, sinabi ng kardinal na ang paggunita sa Araw ng Kalayaan ng bansa ay pagkakataong pagnilayan nang mas malalim ang kahulugan ng kalayaan bilang mga tagasunod ni Kristo.

“Yet Independence Day also reminds us that the deepest freedom is not merely political freedom. The greatest freedom is freedom from sin, hatred, selfishness, and despair,” pahayag ni Cardinal Advincula. Ayon sa kardinal, magiging ganap ang kalayaan ng isang bansa kung matututuhan ng mamamayan na magmahal tulad ng pagmamahal ni Kristo sa sangkatauhan.

“A nation becomes truly free when its people learn to love as Christ loves,” ani ng arsobispo. Iniugnay ni Cardinal Advincula ang pagdiriwang ng kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, kung saan kinilala ng arsobispo ang kabayanihan ng mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay at pagmamahal para sa bayan.

“The heroes we honor today were men and women ‘na may puso’—men and women who loved the Philippines enough to sacrifice for her,” saad ng kardinal.
Paalala ni Cardinal Advincula na ang debosyon sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ay nagsisimula sa pagkilala sa walang-hanggang pag-ibig ng Diyos para sa bawat tao. Ayon pa sa kardinal, maraming tao sa kasalukuyan ang nakararanas ng pakiramdam ng kakulangan at kawalan ng halaga sa sarili, subalit pinagtibay ng mensahe ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus na ang bawat isa ay iniibig at pinili ng Diyos.

Hinimok din ni Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na tularan ang puso ni Hesukristo na tapat, mahabagin, at handang magbigay ng sarili para sa kapwa upang maging daan ng pagkakaisa at pagbabagong panlipunan.

“May His Heart inspire our leaders to serve with integrity, our families to live in unity, and our communities to grow in compassion,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.
Hamon ni Cardinal Advincula sa bawat Pilipino na suriin kung anong uri ng puso ang huhubog sa kinabukasan ng bansa, ang “pusong bato” na walang malasakit sa kapwa, o pusong katulad ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus na tapat,
mahabagin, at mapagbigay ng sarili.

Katuwang ni Cardinal Advincula sa pagdiriwang sina shrine rector at team ministry head na sina Fr. Eric Castro at Fr. Roy Bellen, na dinaluhan ng iba pang pari, kasama ang pamayanan ng Dambana at mga deboto ng Sacred Heart.

Ngayong taon ay magkasabay na ipinagdiwang ng mga Pilipino ang Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at ang ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 100,700 total reads

 100,700 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 177,530 total reads

 177,530 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 210,978 total reads

 210,978 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 246,278 total reads

 246,278 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 468,931 total reads

 468,931 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top