Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,169 total views

Ang Mabuting Balita, 7 Nobyembre 2023 – Lucas 14: 15-24
HULI NA
Noong mga panahong iyon, sinabi kay Jesus ng isa sa mga kasalo niya sa hapag, “Mapalad ang makakasalo sa hapag sa kaharian ng Diyos!” Sumagot si Jesus, “May isang lalaking naghanda ng isang malaking piging, at marami siyang inanyayahan. Nang dumating ang oras ng piging, inutusan niya ang kanyang mga alipin at ipinasabi sa mga inanyayahan, ‘Halina kayo, handa na ang lahat!’ Ngunit nagdahilan silang lahat. Ang sabi ng una, ‘Nakabili ako ng bukid, at kailangan kong puntahan. Kayo na sana ang bahalang magpaumanhin sa akin.’ At sinabi ng isa, ‘Nakabili ako ng limang pares na baka, at kailangan kong isingkaw para masubok. Kayo na sana ang bahalang magpaumanhin sa akin.’ Sinabi naman ng isa pa, ‘Bagong kasal ako kaya hindi ako makakadalo.’ Bumalik ang alipin at ibinalita ito sa kanyang panginoon. Nagalit ito at sinabi sa alipin, ‘Lumabas kang madali sa mga lansangan at makikipot na daan ng lungsod, at isama mo rito ang mga pulubi, mga pingkaw, mga bulag, at mga pilay.’ Pagbabalik ng alipin ay sinabi niya, ‘Panginoon, nagawa na po ang iniutos ninyo, ngunit maluwag pa.’ Kaya’t sinabi ng panginoon sa alipin, ‘Lumabas ka sa mga lansangan at sa mga landas, at pilitin mong pumarito ang mga tao, upang mapuno ang aking bahay. Sinasabi ko sa inyo: isa man sa mga unang inanyayahan ay hindi makatitikim ng aking handa!’”
————
Sa ebanghelyo sa araw na ito, mga inanyayahan sa malaking piging ay nagbigay ng iba’t ibang uri ng paumanhin, kaya’t sinabihan ng “host” ang kanyang alipin na kumbidahin ang lahat ng mga tao na nasa kalye o mga taong hindi niya kilala, kasama na ang mga may kapansanan. Si Jesus ay nasa hapag-kainan ng bahay ng isang pinunong Pariseo. Maliwanag na ang mga itinutukoy niya ay ang mga Judio, na unang inanyayahan sa hapag-kainan ng Diyos, ngunit hindi nila ito pinahalagahan at hindi nila pinakinggan si Jesus sapagkat nakapako sila sa mga itinuro at nakasanayan ng kanilang mga ninuno. Nawala tuloy ang pagkakataon na matikman nila ang handa sa hapag-kainan ng Diyos.
Mayroong nagsabi: “Opportunity knocks only once. You never know if you’ll get another opportunity.” Ang ibig sabihin, minsan lang darating ang pagkakataon. Hindi mo alam kung mabibigyan ka ng isa pang pagkakataon. Mayroong mga iba sa atin na laging ipinagpapaliban ang pagpapakabuti, at sinasabi na magpapakabuti lamang sila kapag malapit na sila mamatay. Sinong nakakaalam kung kailan o paano tayo mamamatay? Sinong nakakaalam kung may darating pa na pagkakataong magpakabuti, o kung ito ay magiging HULI NA. Bakit natin iwawaldas ang ating buhay kung maaari naman tayong magsaya ayon sa kagustuhan ng Tagabigay ng Buhay?
Panginoon, tulungan mo kaming gawin ang pinakamabuti araw-araw, na tila ito na ang huling araw ng aming buhay!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SINGIL SA KURYENTE

 41,031 total views

 41,031 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 43,241 total views

 43,241 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 116,620 total views

 116,620 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 129,440 total views

 129,440 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 155,924 total views

 155,924 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ENLIGHTEN

 7,028 total views

 7,028 total views Gospel Reading for June 10, 2026 – Matthew 5: 17-19 ENLIGHTEN Jesus said to his disciples: “Do not think that I have come

Read More »

RESPONSIBILITY

 7,899 total views

 7,899 total views Gospel Reading for June 09, 2026 – Matthew 5: 13-16 RESPONSIBILITY Jesus said to his disciples: “You are the salt of the earth.

Read More »

COMFORT AND RELIEF

 8,239 total views

 8,239 total views Gospel Reading for June 08, 2026 – Matthew 5: 1-12 COMFORT AND RELIEF When Jesus saw the crowds, he went up the mountain,

Read More »

ETERNALLY PRESENT

 8,664 total views

 8,664 total views Gospel Reading for June 07, 2026 – John 6: 51-58 ETERNALLY PRESENT The Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ

Read More »
Scroll to Top