Ang tunay na kagalingan ay makikita sa buong aspeto ng pagkatao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,272 total reads

Binigyang-diin ni Fr. Almar Roman, MI, chaplain ng Philippine Heart Center (PHC), na ang tunay na kagalingan ay hindi lamang nakatuon sa pisikal na kalusugan kundi sa buong aspeto ng pagkatao.

Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria sa Immaculate Heart of Mary Chapel ng Philippine Heart Center, inihayag ng pari na si Maria ay patuloy na nagsisilbing huwaran ng pananampalataya at pag-asa lalo na para sa mga dumaranas ng karamdaman at pagsubok sa buhay.

“Sa Puso ni Maria, may kagalingan. Hindi lamang kagalingan ng katawan, kundi kagalingan ng puso, isip, kaluluwa, at buong buhay,” ayon kay Fr. Roman.

Paalala rin ng pari na ang Mahal na Birheng Maria ay hindi kailanman nang-iiwan sa kanyang mga anak, lalo na sa mga nahaharap sa pagdurusa at kawalang-katiyakan.

“Maraming naririto ngayon ang dumaraan sa karamdaman, pagod, takot, at mga laban sa buhay. Ngunit ang mensahe ng Immaculate Heart ay ito: Hindi ka nag-iisa. May ina na nananatili sa tabi mo,” ani Fr. Roman.

Ayon sa pari, ang mensaheng ito ay mahalagang paalala lalo na para sa mga pasyente, kanilang mga pamilya, at maging sa mga healthcare workers na araw-araw na humaharap sa mga hamon ng pangangalaga sa buhay ng tao.

“Sa bawat buntong-hininga sa mga pasilyo ng ospital, sa bawat gabing hindi makatulog dahil sa sakit o pag-aalala, kasama natin si Maria,” dagdag ng pari.

Binigyang-diin din ni Fr. Roman na ang kadalisayan ng puso ay hindi nangangahulugang kawalan ng sugat o paghihirap, kundi ang patuloy na pagbubukas ng sarili sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok.

“Ang pusong malinis ay hindi pusong walang sugat. Ang pusong malinis ay pusong bukas sa Diyos sa gitna ng sugat,” aniya.

Kasabay nito, hinimok ng pari ang mga mananampalataya na magtiwala sa Diyos sa kabila ng mga bagay na hindi maunawaan at hindi makontrol sa buhay.

Sa kanyang mensahe para sa komunidad ng Philippine Heart Center, binigyang-diin din ng chaplain ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pag-asa, pananampalataya at dignidad ng bawat tao sa gitna ng paglilingkod sa mga may karamdaman.

“Hilingin natin na sa bawat paglilingkod natin dito sa ospital, mapangalagaan natin ang tatlong bagay: ang pag-asa, ang pananampalataya, at ang dignidad ng bawat tao,” ani Fr. Roman.

Samantala, sa kanyang panayam matapos ang misa, tiniyak ng pari ang patuloy na pananalangin ng komunidad para sa mga maysakit, lalo na sa mga nakararanas ng pag-iisa at kawalan ng pag-aaruga.

“Dalangin po namin ang inyong mabilis na paggaling, lalo na ang mga walang nakakaalala, ang mga walang nag-aalaga, at ang mga may sakit sa kanilang mga tahanan,” pahayag ni Fr. Roman sa Radyo Veritas.

Panawagan ng pari sa bawat isa na ipagkatiwala sa Kalinis-linisang Puso ni Maria ang lahat ng takot, karamdaman at pasanin sa buhay, kalakip ang katiyakang hindi kailanman pinababayaan ng Diyos ang Kanyang bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,260 total reads

 54,260 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 140,756 total reads

 140,756 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 183,793 total reads

 183,793 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 233,552 total reads

 233,552 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,205 total reads

 392,205 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top