Kailangan na ang madaliang paglilipat ng Mindoro sa renewable energy dahil sa patuloy na brownout

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,222 total reads

Binigyang-diin ni Fr. Edwin Gariguez, Executive Director ng Diocese of Calapan Social Action Center, ang pangangailangang pabilisin ang paglipat ng Oriental Mindoro sa renewable energy sa gitna ng patuloy na brownout, mataas na singil sa kuryente, at hindi matatag na suplay ng enerhiya sa lalawigan.

Ayon kay Fr. Gariguez, umaabot sa ₱310 milyon hanggang ₱376 milyon kada buwan ang binabayaran ng mga consumer sa Oriental Mindoro para sa kuryente ngunit patuloy pa ring nakararanas ng madalas na pagkawala ng suplay.

“Collection efficiency reportedly reaches between 95 and 98 percent, indicating that Mindoreños faithfully settle their electricity bills despite enduring recurring outages, unstable supply, and some of the highest electricity rates among off-grid areas in Luzon,” pahayag ni Fr. Gariguez.

Batay sa pag-aaral ng Center for Energy, Ecology and Development (CEED) at Pandang Gitab ng Mindoro, higit sa 73 porsyento ng power supply portfolio ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) ay nagmumula sa diesel-fired generation.

Nasa ₱5.64 hanggang ₱5.90 kada kilowatt-hour lamang ang halaga ng kuryenteng mula sa renewable energy kumpara sa ₱12.38 hanggang ₱13.15 kada kilowatt-hour mula sa fossil fuel sources.

“The implication is difficult to ignore: Mindoreños are paying premium prices for electricity generated from some of the most expensive energy sources available,” ayon kay Fr. Gariguez.

Binigyang-pansin din ni Fr. Gariguez ang pagdepende ng lalawigan sa Emergency Power Supply Agreements (EPSAs), na pansamantalang solusyon lamang at hindi tumutugon sa ugat ng problema.

Tinukoy rin ng pari ang mataas na system losses ng ORMECO na umabot sa 14 porsyento noong 2023, higit sa itinakdang regulatory threshold.

Sa kabila nito, sinabi ni Fr. Gariguez na taglay ng Mindoro ang renewable energy potential na tinatayang 320 beses na mas malaki kaysa sa inaasahang peak electricity demand nito sa 2025, habang maaaring makalikha ang solar at wind resources ng mahigit 34 gigawatts na kapasidad.

“The island possesses enough renewable energy resources not merely to satisfy local demand but potentially to become a major renewable energy hub for the Philippines,” saad ni Fr. Gariguez.

Nanawagan naman ang pari ng mas mabilis na pagpapaunlad ng solar at iba pang renewable energy sources upang mabawasan ang pagdepende sa mamahaling diesel fuel at makamit ang mas matatag, abot-kaya, at makakalikasang sistema ng enerhiya sa lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 52,733 total reads

 52,733 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 139,231 total reads

 139,231 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 182,268 total reads

 182,268 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 232,027 total reads

 232,027 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 390,755 total reads

 390,755 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 191,815 total reads

 191,815 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top