Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isabuhay ang malasakit sa mga dukha, panawagan ni Cardinal Advincula sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 299 total views

Nanawagan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga mananampalataya na higit isabuhay ang malasakit sa mga dukha at mga nasa laylayan ng lipunan.

Ito ang mensahe ng kardinal sa misang ginanap sa Manila Cathedral nitong June 13 hudyat ng pormal na pagsisimula ng Philippine pilgrimage ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe.

Sa kanyang homiliya sa pagtanggap sa imahe ng Nuestra Madre Peregrina mula sa Mexico, binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang mensahe ng Mahal na Birhen ng Guadalupe ay nananatiling mahalaga sa kasalukuyang panahon lalo na sa gitna ng iba’t ibang anyo ng kahirapan, pagdurusa at kawalang-katarungan.

Ayon kay Cardinal Advincula, ang pag-ibig ng Diyos para sa mga dukha ay pagpapahayag ng Kanyang natatanging malasakit sa mga higit na naghihirap.

“It does not mean that God loves the poor more than others, but that in a world marked by inequality and injustice, God’s love takes the radical form of special concern for those who suffer most,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Paliwanag ni Cardinal Advincula na ipinabatid ng Mahal na Birhen sa kanyang pagpapakita kay San Juan Diego ang malasakit ng Diyos sa mga taong madalas nakakaligtaan ng lipunan.

“At Guadalupe, she appeared not to the powerful or to the rich, but to Juan Diego, a poor and humble native, addressing him with tenderness and dignity. In doing so, she revealed God’s gaze toward those whom the world overlooks,” ani ng kardinal.

Binigyang-diin ni Cardinal Advincula ang debosyon sa Our Lady of Guadalupe ay hindi lamang paggunita sa isang makasaysayang pangyayari kundi paanyaya upang tularan ang habag ni Maria sa mga nangangailangan.

“Mary challenges us to see Christ in the suffering, the lonely, and the forgotten, and to respond with mercy, solidarity, and concrete acts of service,” dagdag pa ng kardinal.

Ayon kay Cardinal Advincula, patuloy na ipinakikita ng Mahal na Birhen kung paano lumalapit ang Diyos sa mga dukha upang itaguyod ang kanilang dangal at ipaalala sa Simbahan ang misyon nitong magmahal tulad ng pagmamahal ng Diyos.

“Her presence, words, and protection continue to manifest how God draws near to the poor—not to romanticize their suffering, but to uplift them, restore their dignity, and remind the Church of its mission to love as God loves, beginning with those who need that love the most,” ayon sa kardinal.

Hinimok din nito ang mga mananampalataya na tanggapin hindi lamang si Maria bilang ina kundi maging ang misyong ipinagkatiwala nito sa bawat binyagan.

Kaugnay nito umapela si Cardinal Advincula sa bawat mananampalataya at deboto na maging simbahang bukas sa mga higit nangangailangan sa pamayanan.

“Maging simbahan tayo para sa mga dukha. Maging simbahan na bukas upang maranasan ng lahat ang walang hanggang pagmamahal ng Diyos,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Ang pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe mula sa Mexico ay inaasahang iikot sa iba’t ibang diyosesis, parokya at pamayanan sa bansa bilang bahagi ng pagpapalalim ng debosyon sa Mahal na Birheng Guadalupe at pagpapalaganap ng kanyang mensahe ng pag-asa, habag at pagmamalasakit sa mga dukha at mga nasa laylayan ng lipunan.

Ito rin ay bahagi ng Novena Intercontinental Guadalupana, isang pandaigdigang programa ng debosyon na naghahanda para sa paggunita sa ikalimang siglo ng aparisyon ng birhen sa taong 2031.
Katuwang ni Cardinal Advincula sa pagdiriwang si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang spiritual director sa Philippine pilgrimage, Urdaneta Bishop Emeritus Jacinto Jose, mga kinatawan ng Mexico.

Dumalo rin sa pagdiriwang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pinangunahan ang pananalangin sa pagtatalaga ng bansa sa pamamatnubay ng Mahal na Birhen ng Guadalupe.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SINGIL SA KURYENTE

 13,511 total views

 13,511 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 15,721 total views

 15,721 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 89,100 total views

 89,100 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 102,613 total views

 102,613 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 131,073 total views

 131,073 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top