Divorce, makakapinsala sa pamilyang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,471 total reads

Nanindigan ang isang opisyal ng simbahan sa pagtutol sa pagkakaroon ng diborsyo sa Pilipinas.

Ayon kay Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr.- higit dapat ipagmalaki ng bansa na kabilang ang Pilipinas sa dalawang bansa na hindi pinapairal ang divorce.

Iginiit ng obispo, mas malaking pinsala sa pamilyang Filipino ang dulot ng paghihiwalay ng mga mag-asawa sa halip na benepisyong matatamo mula sa diborsyo.

“The harm done by divorce to the family is greater than the benefit for the family because of divorce,” giit ni Bishop Bacani sa panayam ng Radyo Veritas.

Ang pahayag ng obispo ay makaraang aprubahan ng Senate Committee on women, children, family relations, and gender equality ang ang Senate Bill 2443 o ang absolute divorce bill.

Binigyan diin ng komite na bagama’t kinilala ng estado ang kasagraduhan ng pamilya, tungkulin din ng pamahalaan na pangalagaan ang dignidad ng tao na ginagarantiyahan ang paggalang sa karapatang pantao, pagkakapantay-pantay sa harap ng batas at pangangalaga sa mga kabataan.

Ipinaliwanag ni Bishop Bacani na hindi na kinakailangan pa ang pagkakaroon ng diborsyo-o mas pinadaling paghihiwalay ng mga mag-asawa dahil sa hindi pagkakasundo lalo’t mayroon ng umiiral na legal separation at nullity of marriage sa Pilipinas

“Yun ang dapat na hanapin lagi ng estado kanya ang dapat ang tatanungin natin ano ba ang para sa common good sa ikabubuti ng nakararami. At tingnan natin kung tayo ay gagamit ng mga facts, yung sabi nga ay mangatwiran ka e makikita naman natin na ang harm na ginagawa ng diborsyo mas malaki kaysa sa benepisyo na natatamo mula dito,” ayon pa kay Bishop Bacani.

Sinabi pa ng obispo na dapat ay makita ng mga mambabatas ang mga pag-aaral at resulta ng pagkakaroon ng magkahiwalay na magulang at ang epekto ng paghihiwalay sa kanilang mga anak.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 103,888 total reads

 103,888 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 180,550 total reads

 180,550 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 213,998 total reads

 213,998 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 249,298 total reads

 249,298 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 471,791 total reads

 471,791 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top