9,235 total views
Muling gugunitain ng mamamayang Filipino ang ika-51 taon ng deklarasyon ng Martial Law, bukas September 21.
Ayon kay Albay 1st district Representative Edcel Lagman, ang kalupitan at pandarambong sa nakaraang rehimeng Marcos Sr sa panahon ng Martial Law at sakripisyo at kabayanihan ng mga biktima ay hindi dapat makalimutan.
Lalo na ayon sa mambabatas mula sa tangkang pagbaluktot sa kasaysayan sa pamamagitan ng ‘historical revisionism’.
Giit ni Lagman-ang pangulo ng Liberal Party ang alalaala ng kasaysayan ay dapat manatili upang hindi na maulit pa.
“Prior acknowledgment of the horrors of martial law and subsequent punishment of those culpable for the repression and venalities during this tyrannical period must be the conditions precedent to a conscientious reconciliation,” bahagi ng pahayag ng mambabatas.
Dagdag pa ni Lagman, hindi maaaring sumulong nang magkasama nang hindi kinikalala ang mga paglabag at tahasang maling pamamahala sa naganao na batas militar.
“We cannot move forward together without looking back. The ignominy of the past will forever haunt the present if we attempt to consign to oblivion the inordinate transgressions and flagrant misrule of martial law,” ayon pa kay Lagman.
Giitt pa ni Lagman, bukod sa pagdiriwang ng mga nakarang tagumpay dapat ding gunitain at ikondena ang mga hindi magandang pangyayari sa kasaysayan.
Ayon kay Lagman, “We celebrate anniversaries not only to commemorate past achievements but also to condemn past horrors.”
Sa isang mensahe ng Santo Papa Francisco, binigyan diin ang kahalagahan ng mga nangyari sa nakaraan na nagpapakita sa kasalukuyan sa pagsulong at upang hindi na maulit ang mga nangyaring pagkakamali.
Sa panahon ng pag-iral ng Martial Law, umaabot sa 3,000 ang pinaslang dahil sa hindi pagsang-ayon sa patakaran ng dating administrasyong Marcos, habang may 75,000 katao ang biktima ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Batas Militar.