252 total views

Mga Kapanalig, mababasa natin sa Mga Kawikaan 14:15: “Pinaniniwalaan ng mangmang ang lahat niyang mapakinggan, ngunit sinisiyasat ng may unawa ang kanyang pupuntahan.” 

Ang kasalukuyang henerasyon ng mga Pilipino, ayon sa ilang obserbasyon, ay kulang na kulang daw sa kritikal na pag-iisip o critical thinking. Mahina sila sa pagpoproseso ng impormasyon, sa pag-unawa sa kanilang nababasa, at sa pagiging malikhain. At sanga-sanga ang mga sanhi kung bakit ganito ang kanilang kakayahang mag-isip—mula sa kalidad ng edukasyong kanilang natatanggap hanggang sa pamilya at pamayanang kanilang kinalakihan. Gaya nga ng bersong binasa natin kanina, tila tinatanggap at pinaniniwalaan na lang nila ang lahat ng kanilang napakikinggan. Sasang-ayon sila kahit mali ang mga ito, at susunod na lang sa kung ano ang idinidikta sa kanila.  

Ito ang problemang ipinaalala ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa National Youth Commission (o NYC) noong tinalakay kamakailan ang badyet ng komisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sinabi kasi ng NYC na kasama sa mga tutustusan ng 165 milyong pisong panukalang badyet nito ang pagsasanay sa 400,000 youth leaders sa buong bansa. Lilinangin sa mga training na ito ang kakayahan sa pamamahala ng mga mananalo sa Sangguniang Kabataan. Sumang-ayon din ang NYC sa mungkahing sumailalim din sa isang “moral program” ang mga lider-kabataan kung saan palalalimin ang kanilang pag-ibig sa Diyos at sa bayan.

Ngunit para kay Congressman Lagman, dapat ding palakasin ang kakayahan ng mga SK chair at SK kagawad sa critical thinking. Hindi raw sila dapat oo lang nang oo sa mga sinasabi sa kanila. Kung kritikal silang mag-isip, mapangungunahan nila ang mga pagkilos na may kinalaman sa mga isyung nakaaapekto sa kanila at sa buong bansa. 

Ang kritikal na pag-iisip ay hindi tumutukoy sa paglaban sa awtoridad o sa pagpapabagsak sa gobyerno. Ito kasi ang naging mababaw at maling pakahulugan ng marami sa salitang “kritikal”, na marahil ay dahil na rin sa kakulangan natin sa critical thinking. Ang mga critical thinkers ay may kakayahang tukuyin ang kanilang mga pinaniniwalaan at mga pagkiling o biases. Kaya rin nilang suriin ang mga naririnig at ibinabahagi nilang pangangatwiran, timbangin ang mga inihahain sa kanilang ebidensya, at bumuo ng mga tamang konklusyon. Sa ganitong paraan, nakararating sila sa mas akmang solusyon sa mga problema. 

Kapag hinahayaan nating maging mangmang ang ating mga sarili, hindi natin kayang maging “critical conscience” ng lipunan, gaya ng minsang ipinanawagan ni Pope Francis sa mga kabataan. Madali sa ating maging sunud-sunuran, lalo na sa mga taong mas nakatataas o makapangyarihan sa atin. Ikinukulong tayo nito sa takot. Sa halip na mag-isip, sasang-ayon na lang tayo. Baka kasi may balik sa atin ang pagtutol—baka may kaparusahan o baka hindi tayo makatanggap ng ayuda. Ang mga sumasang-ayon ay nabibigyan pa ng pabor—lalo na ang mayayaman at maimpluwensyang sunud-sunuran sa nagdidikta. Ang hindi pagiging kritikal ay sinasabing magbubunga ng kapayapaan—walang nagrereklamo sa mga nangyayari, walang lumalaban sa mali, walang umaalma sa kahirapan.  

Ang kawalan ng kritikal na pag-iisip ng mga mamamayan ang sinasamantala ng mga diktador. Ito ang nangyari sa ating bayan mahigit limampung taon na ang nakalilipas. Isinailalim noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr ang Pilipinas sa martial law dahil daw sa mga lumalaban sa gobyerno. Pero iyon ang naging daan ng diktador upang kumapit sa kapangyarihan nang napakatagal, waldasin ang kaban ng bayan, at payamanin ang kanyang pamilya at mga kaibigan.  

Mga Kapanalig, bukas ay anibersaryo ng araw kung kailan idineklara ang batas militar sa Pilipinas. Huwag sana tayong makalilimot, kahit pa bumalik na sa kapangyarihan ang mga nasa likod at nakinabang sa madilim na yugtong ito sa ating kasaysayan. Huwag sana tayong matakot na maging kritikal. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 19,565 total views

 19,565 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Pwedeng taumbayan naman?

 33,400 total views

 33,400 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 68,625 total views

 68,625 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »

Proteksyon para sa mga gig workers

 114,500 total views

 114,500 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »

Online work at kababaihan

 115,536 total views

 115,536 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 19,566 total views

 19,566 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 33,401 total views

 33,401 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 68,626 total views

 68,626 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 114,501 total views

 114,501 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 115,537 total views

 115,537 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 106,483 total views

 106,483 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 103,542 total views

 103,542 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 104,584 total views

 104,584 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Is that good?”

 109,013 total views

 109,013 total views Mga Kapanalig, sa isang pastoral letter na inilabas noong huling araw ng Enero, pinuna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) ang nagpapatuloy na people’s initiative kung saan kinukuha ang suporta ng taumbayan para bumoto bilang isang lupon ang mga senador at kongresista sa Charter change o Cha-cha.  Katulad ng ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Enerhiya

 123,213 total views

 123,213 total views Ang sektor ng enerhiya ay kritikal sa ating bansa. Ito ang pundasyon ng mga industriya, komersyo, at pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Kung hindi natin mahaharap ang mga hamon na umaaligid dito, malaking problema ang sasalubong sa ating bayan sa kalaunan. Isa sa pinakamalaking hamon sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agrikultura

 133,666 total views

 133,666 total views Kapanalig, sa panahon ng digital age, nakakalimutan natin minsan ang sektor ng agrikultura. Ito ay isang malaking oversight, lalo pa’t ang karamihan sa mga maralita sa ating bansa ay sakop ng sektor na ito. Tinatayang mga 60% ng mga mahihirap sa ating bansa ay nasa agricultural sector. Isa sa mga pangunahing suliranin na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Skills Upgrading

 163,352 total views

 163,352 total views Kapanalig, panahon na ng upgrade para sa ating mga kakayahan o skills. Ang dami ng pagbabago sa job market hindi lamang sa ating bansa, kundi sa buong mundo. Maraming mga trabaho ngayon ay bago na, at nangangailangan din ng bagong kakayahan. Marami ng pag-aaral ang nagsasabi na iba na ang job landscape sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Banta sa pamamahayag

 138,063 total views

 138,063 total views Mga Kapanalig, matapos ang halos siyam na taong paglilingkod sa publiko, tuluyang nagsara na ang news media organization na CNN Philippines noong ika-31 ng Enero. Dahil ito sa pagkalugi ng kumpanya na umabot ng higit sa limang bilyong piso. Nasa 300 na empleyado ang nawalan ng trabaho. Tinanggal na rin ang website at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang waldas sa Bagong Pilipinas?

 97,201 total views

 97,201 total views Mga Kapanalig, “sa Bagong Pilipinas, walang waldas.”  Bahagi ito ng talumpati ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr sa Bagong Pilipinas concert na ginagap sa Quirino Grandstand noong isang linggo. Tinatayang nasa apat na raang libo ang dumalo sa concert, kabilang ang mga kawani ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Naroon din siyempre ang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teleserye sa pulitika

 100,621 total views

 100,621 total views Mga Kapanalig, mahilig ba kayong sumubaybay sa mga teleserye? Siguradong nabalitaan ninyo ang tila teleseryeng bangayan na nangyayari ngayon sa pagitan ng mga Duterte at Marcos na noong kampanya ay binansagang “UniTeam”.  Noong nakaraang linggo, isinagawa ang isang leader’s meeting at prayer rally sa Davao City sa panguguna ng mga Duterte, kasabay ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top