Koalisyon laban sa Cha-cha, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,129 total reads

Naniniwala ang isang mambabatas na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Simbahan para sa paggabay sa bawat isa patungo sa tamang landas sa lipunan.

Ito ang ibinahagi ni Senator Risa Hontiveros kaugnay sa pagsisilbing moral at ethical compass ng Simbahan lalo na sa mga mahahalagang usaping panlipunan tulad ng kontrobersyal na usapin ng Charter Change.

Ayon sa mambabatas, mahalaga ang pamumuno at aktibong pakikilahok ng Simbahan sa iba’t ibang mga koalisyon tulad ng bagong lunsad na KOALISYON LABAN SA CHACHA! upang higit na maipalaganap sa mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaisa at paninindigan para sa kabutihan ng bayan.

“Napakahalaga talaga ng partisipasyon at pamumuno ng mga Simbahan sa ganitong mga koalisyon at paglunsad ng koalisyon kasi parang sila yung nagpapaingay ng tambuli na nagtatawag sa iba’t ibang mga Pilipino anuman ang ating pananampalataya Katoliko, protestante, evangelical, at iba pa na magkaisa nga sa isang totoong unity, magkaisa sa pagninilay, pagdarasal, pagbabantay, pagkilos lahat…” Bahagi ng pahayag ni Hontiveros sa Radio Veritas.

Paliwanag ng mambabatas, dapat na ganap na pagnilayan ng bawat mamamayan kung paano higit na mapoprotektahan at maisasakatuparan ang mga nakapaloob sa Konstitusyon na para sa ikabubuti ng sambayanan Pilipino at hindi ng interes ng iilan.

“Para pangalagaan at ipaglaban ang kapakanan ng nakararami hindi yung interes lang ng iilan na yun din naman ang kaluluwa ng Konstitusyon nakalagay dun, parang yung sulat pastoral ng CBCP, ‘Ano ang mabuti?’ nakalagay din po dun sa Konstitusyon so tamang dapat lamang mag-discern tayo ulit, ano yung mabuti na mga pangako dun sa Konstitusyon at ipatupad natin alang-alang sa kabutihan ng nakararami hindi yung kakasangkapanin lang ang Konstitusyon para sa interes ng iilan…” Dagdag pa ng mambabatas.

Matatandaang una ng tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagsusumikap ng Kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas na makapagsagawa ng mga talakayan at pagpupulong upang mabuksan ang kamalayan ng bawat isa kaugnay sa usapin ng Saligang Batas ng Pilipinas at magabayan na makapagdesisyon ng para sa ikabubuti ng bayan.

Tinagurian bilang KOALISYON LABAN SA CHACHA! binubuo ang nasabing kowalisyon ng may 40-grupo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na kinabibilangan ng mga church groups at people’s movement sa bansa na pawang naninindigan sa pagpapahalaga sa Saligang Batas ng Pilipinas na nagsisilbing sandigan ng mga karapatan, kalayaan at demokrasyang tinatamasa ng bansa.

Kabilang sa mga organisasyon at grupo ng Simbahan na kasapi ng kowalisyon ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines sa ilalim ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace o Caritas Philippines; Sangguniang Laiko ng Pilipinas; Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP); Simbahang Lingkod ng Bayan (SLB); at CMSP – Conference of Major Superiors in the Philippines.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 11,784 total reads

 11,784 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 37,038 total reads

 37,038 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 97,536 total reads

 97,536 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 117,825 total reads

 117,825 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 198,479 total reads

 198,479 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 298,451 total reads

 298,451 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top