Tulong sa mga nasaktan sa pagguho ng isang Bulacan church, tiniyak ng Diocese of Malolos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,965 total reads

Tiniyak ng Diocese of Malolos ang suporta at pagtulong sa pangangailangan ng mga biktima ng pagbagsak sa isang bahagi ng San Pedro Apostol Parish sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Dennis Villarojo bukod sa pananalangin ay nakipag-ugnayan na rin ito sa pamilya ng mga biktima.

“We are very much saddened by the incident. We assure them of our solidarity and assistance sa kanilang pangangailangan,” pahayag ni Bishop Villarojo.

Personal na tinungo ng obispo ang parokya gayundin ang pagbisita sa mga ospital na pinagdalhan ng mga napinsala sa insidente.

Batay sa ulat ng City Disaster Risk Reduction Management Office ng San Jose Del Monte nasa 52 katao ang nasugatan habang isa naman ang nasawi.

Sinabi rin ni Bishop Villarojo na nakipag-ugnayan ito sa mga pagamutan upang tugunan ang pangangailangang medikal ng mga biktima.

“So we are contacting ther hospitals na to provide any emergency medical procedures kung ano man ang kinakailangan; mag-usap muna kami sa pamilya and we assure them the assistance from the diocese,” giit ni Bishop Villarojo.
Nangyari ang insidente alas siyete ng umaga ng February 14 habang nagsagawa ng Banal na Misa sa paggunita ng simbahan sa Ash Wednesday.

Hiling ni Bishop Villarojo sa mamamayan ang mga panalangin para sa mga biktima lalo na sa pamilya ng nasawing indibidwal.

“We ask for prayers from everybody upang una sa lahat ay maghilom ang mga sugat, nawa’y wala nang mas malala pang mangyayari sa sinumang nasugatan, we also pray for the eternal repose nitong isang taong napinsala and we pray for the consolation of the family,” saad pa ni Bishop Villarojo.

Suspendido naman ang mga misa at iba pang gawaing espiritwal ng parokya at pansamantalang isinara sa publiko habang magsagawa ng assessment ang mga kawani ng engineering at building department ng city government.

Tiniyak din ni Bishop Villarojo ang pagpapaigting sa assessment sa lahat ng mga simbahan ng diyosesis lalo na ang may dalawang palapag upang matiyak ang seuridad at kaligtasan ng mga magsisimba.

Basahin:

COMELEC, Tatalima sa Batas

 47,262 total reads

 47,262 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 46,396 total reads

 46,396 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 80,450 total reads

 80,450 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 182,275 total reads

 182,275 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 222,834 total reads

 222,834 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 241,530 total reads

 241,530 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top