Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“SIMBAHAN AT KOMUNIDAD NAGKAKAISA LABAN SA CHA-CHA!”

SHARE THE TRUTH

 38,828 total views

Ito ang sigaw sa opisyal na paglulunsad ng kuwalisyon na mangunguna sa paglaban sa patuloy na isinusulong na Charter Change sa bansa.

Tinagurian bilang KOALISYON LABAN SA CHACHA! binubuo ang nasabing kowalisyon ng may 40-grupo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na kinabibilangan ng mga church groups at people’s movement sa bansa na pawang naninindigan sa pagpapahalaga sa Saligang Batas ng Pilipinas na nagsisilbing sandigan ng mga karapatan, kalayaan at demokrasyang tinatamasa ng bansa.

Kabilang sa mga organisasyon at grupong kasapi ng kowalisyon ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines sa ilalim ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace o Caritas Philippines na pinangungunahan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo at San Carlos Bishop Gerry Alminaza.

Ayon kay Bishop Alminaza, mas dapat tutukan ng pamahalaan ang pagkakaloob ng kalidad na serbisyo publiko sa mamamayang Pilipino sa halip na ang pagbabago ng Saligang Batas kung saan sa halip na mag-aksaya ng panahon at pondo ang pamahalaan para isulong ang pag-amyenda ng Konstitusyon ay mas nararapat na ilaan na lamang ito sa pagtiyak ng pagkakaloob ng kalidad at naaangkop na serbisyo publiko.

“Caritas Philippines stands firmly against the current push for charter change, urging the government to prioritize strengthening social services, combating corruption, and addressing the plight of the poor. We view attempts to alter the Constitution, especially with questionable motives and limited public participation, as threatening our nation’s well-being. The 1987 Constitution is not a political plaything. It was crafted after a dark period to serve the Filipino people, upholding human dignity, human rights, and the common good. We echo the CBCP’s stance: any revision must adhere to these moral principles.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Mariin namang nanawagan si Caritas Philippines Executive Director Fr. Antonio Labiao Jr., na maging mapagbantay, at ipagdasal ng lahat ang mga nagaganap sa lipunan partikular na ang iba’t ibang tangka na baguhin ang Saligang Batas ng Pilipinas.

Paliwanag ni Fr. Labiao, mahalagang ang aktibong partisipasyon ng taumbayan upang mabantayan at hindi maisakatuparan ng iilan ang mga pa sariling interes na nakapaloob sa isinusulong na Charter Change.

“So kung pwede tayo magkaisa na gawan ng paraan para itong mga issues na sa tingin natin nagpapahirap sa buhay ng karamihan ay mabigyan ng kalutasan environment, bureaucracy, at lahat ng mga issue ngayon na minsan iilan lamang ang nakikinabang nito at iniiwasan harapin kaya tayo na sa iisang pagkikilos. So ito yung mga iilan nating mga panawagan, makinig tayo at manalangin, magbantay at kumilos bilang nagkakaisang Simbahan at komunidad laban sa Charter Change o CHACHA.” Ayon kay Fr. Labiao.

Pagbabahagi ng Pari, napapanahon ang paglulunsad ng gawain ngayong araw na Miyerkules ng Abo at Araw ng mga Puso upang ganap na maisulong ang naaangkop na pagninilay ng bawat isa kaugnay sa usapin ng pagbabago ng Saligang Batas at higit na mapag-alab ang pagmamahal ng taumbayan sa bansa.

Bilang nagkakaisang Simbahan at komunidad laban sa Charter Charter ay inihayag din ng Pari ang unang gawain ng koalisyon laban sa Charter Change na isasagawa sa ika-22 ng Pebrero, 2024 ganap na na alas-otso ng umaga sa Plaza Roma sa harapan ng Manila Cathedral at tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) na naglalayong manawagan ng suporta at paninindigan para sa kasalukuyang umiiral na Saligang Batas ng Pilipinas.

Batay sa pinakahuling tala, umaabot na sa humigit kumulang 40 ang bilang ng mga grupo at organisasyon na lumagda ng pakikiisa sa Koalisyon Laban sa CHACHA mula sa iba’t ibang mga sektor sa buong bansa.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Dugo sa kamay ng mga pulis

 5,203 total views

 5,203 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 13,896 total views

 13,896 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 28,664 total views

 28,664 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 35,787 total views

 35,787 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 42,990 total views

 42,990 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Walang VIP sa batas

 654 total views

 654 total views Nanawagan ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mamamayan na bantayan ang pag-usad ng kaso ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy. Ito ang panawagan ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo makaraang sumuko si Quiboloy sa mga awtoridad kasama ang iba pang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Technical education sa drug rehabilitated dependents, pinaboran ng CHR

 1,045 total views

 1,045 total views Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) sa panukalang batas na naglalayong mabigyan ng pagsasanay at edukasyong teknikal ang mga rehabilitated drug dependents bilang bahagi ng pagbibigay ng pangalawang pagkakataon upang makapagbagong buhay. Ayon kay CHR Chairperson Richard Palpal-latoc, malaki ang maitutulong ng batas ni Senator Raffy Tulfo na Senate Bill

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, inaanyayahang makiisa “One minute for Peace”

 2,283 total views

 2,283 total views Inaanyayahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang mananampalataya na makibahagi sa One Minute for Peace na paglalaan ng isang minutong pananalangin para sa kapayapaan ng daigdig sa ika-8 ng Setyembre, 2024 hanggang sa ika-8 ng Hunyo ng susunod na taong 2025. Kaisa ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Paghubog sa katapatan ng mga botante, prayoridad ng PPCRV

 2,504 total views

 2,504 total views Naniniwala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na bukod sa pagtiyak ng katapatan ng sistema ng halalan sa bansa ay mahalaga ring tutukan ang paghuhubog sa katapatan ng mismong mga botante. Ito ang binigyang diin ni PPCRV Executive Director Jude Liao kaugnay sa patuloy na suliranin ng vote buying at vote

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TIBOK PINOY, ilulunsad ng PPCRV

 2,954 total views

 2,954 total views Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagsasakatuparan sa mandato bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas. Ito ang ibinahagi ni PPCRV Media and Communications Director Ana De Villa Singson sa puspusang paghahanda ng PPCRV sa nalalapit na 2025 Midterm

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pag-amyenda sa Migrant Workers and Overseas Filipino Act, suportado ng CHR

 2,987 total views

 2,987 total views Supotado ng Commission on Human Rights ang panukalang pagpapalawig sa Emergency Repatriation Fund (ERF) sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act (RA) No. 8042 o mas kilala bilang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act. Nakapaloob sa House Bill 09388 na inihain ni OFW Partylist Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang pagbibigay ng awtoridad

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center, pinarangalan ng Ateneo de Manila University

 4,624 total views

 4,624 total views Kinilala ng Ateneo de Manila University si Divine Word missionary priest Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD bilang isa sa mga awardee ng 2024 Traditional University Awards. Igagawad kay Fr. Villanueva ang ‘Bukas Palad Award’ bilang pagkilala sa pambihirang misyon at adbokasiya ng Pari sa pagtulong sa mga palaboy sa Maynila at sa mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

20 dambana at simbahan, itinalagang Jubilee churches ng Archdiocese of Manila

 9,104 total views

 9,104 total views Umabot sa mahigit 20 mga simbahan at dambana sa Arkidiyosesis ng Maynila ang itinalagang Jubilee Churches ng arkidiyosesis para sa nakatakdang Ordinary Jubilee of the Year 2025. Ayon sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, mahalagang samantalahin ng mga mananampalataya ang biyayang hatid ng pananalangin at pagbisita sa mga itinalagang jubilee churches

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Samantalahin ang pagsibol ng katotohanan.

 9,761 total views

 9,761 total views Ito ang panawagan ni Arnold Janssen Kalinga Foundation founder Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD para sa mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas(Philippine National Police) sa ibinunyag ni Police Lt. Col. Jovie Espenido na pagpapatupad ng quota at reward system sa marahas na implementasyon ng laban kontra illegal na droga ng administrasyong Duterte.

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

11-Diocesan Council of the Laity, magsasama-sama sa Conference on Prayer

 8,875 total views

 8,875 total views Umaasa ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na maging makabuluhan at epektibo ang nakatakdang Conference on Prayer ng Ecclesiastical Province of Manila upang maihanda ang bawat layko sa Jubilee sa 2025. Ayon kay LAIKO National President Bro. Francisco Xavier Padilla, layunin ng pagtitipon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

No one is above the law

 11,504 total views

 11,504 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na walang sinuman ang mas nakahihigit o nakatataas sa batas. Ito ang bahagi ng pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines kaugnay sa sitwasyon sa Davao City dulot ng patuloy na paghahanap ng mga pulis kay Kingdom

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mga bayaning Pilipino, dapat ipagmalaki at bigyang pagkilala

 10,961 total views

 10,961 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na naangkop lamang na patuloy na alalahanin at bigyang pagkilala ang pagsasakripisyo at pag-aalay ng buhay ng mga bayani ng bansa. Ito ang ibinahagi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations between Bishops and Consecrated Persons

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Huwag kalimutan si Ninoy

 16,291 total views

 16,291 total views Hinimok ni 1987 Constitutional Framer Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang mga Pilipino na huwag kalimutan ang mga aral na dulot ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Ito ang pahayag ng Obispo sa paggunita ng ika-41 anibersaryo ng pagkamatay ng dating mambabatas at national hero ng bansa. Ayon kay Bishop Bacani, mahalagang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Anti-political dynasty group, ilulunsad

 16,474 total views

 16,474 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na naaangkop lamang na makibahagi ang Simbahan sa mahahalagang usaping panlipunan na makakaapekto sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino. Ito ang bahagi ng pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace kaugnay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese of Cubao, nakiisa sa Quezon City Day

 16,233 total views

 16,233 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Diyosesis ng Cubao sa paggunita ng Quezon City sa ika-146 na taong kapanganakan ng tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa” na si dating Pangulong Manuel Luis Quezon. Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco,naangkop na patuloy na alalahanin at kilalanin ang mahalaga at natatanging kontribusyon ni dating Pangulong Quezon sa pagpapatatag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top