PDRRMC ng Davao del Sur, nanawagan ng tulong sa mga forest fire expert

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 357 total views

Nanawagan ng tulong sa mga forest fire experts ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng Davao del Sur kaugnay sa pagkasunog ng kagubatan ng Mt Apo na pinaghihinalaang dahil sa naiwang siga ng tatlong iresponsableng trekker noong ika-26 ng Marso.

Ayon kay Harry Camoro – head ng PDRRMC sa Davao del Sur, patuloy ang pagbubuhos ng tubig sa bundok gamit ang helicopter subalit kulang pa rin ito at na ngangailangan pa ng mas maraming volunteers na bihasa sa pag-akyat ng bundok.

Tiniyak naman ni Camoro na mabilis na kumikilos ang grupo upang malagyan ng firelines ang bundok at mapigilan ang pagkalat ng apoy.

“We’re still in need of resources like expert sa forest fires, groups that are self-sufficient that can survive for around five days in the area, we recommend po na mga expert in mountaineering and Fire suppression, baka kasi magpadala lang po tayo ng mga tropa na hindi naman po sanay sa gubat o hindi naman po sanay sa terrain na high altitude yung operations, baka ma compromise yung operation po natin.” Pahayag ni Camoro sa Radyo Veritas.

Sa huling ulat ng Davao Region Incident Management team noong ikalawa ng Abril halos umabot na sa 115 hektarya sa bundok ng Mt Apo ang naapektuhan.

Limang Fire volunteers naman ang nasugatan habang nag aapula ng sunog.

Pansamantala, isinara na ang Mt. Apo Natural Park dahil sa mga pinsalang dulot ng Forest Fire sa ilang bahagi ng protected area ng bundok.

Samantala sa Laudato Si ng kanyang Kabanalan Francisco, binigyang diin nitong dahil sa kapabayaan ng tao sa kapaligiran, tao rin ang nagiging biktima ng mga sakunang nagaganap sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 19,105 total views

 19,105 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 69,119 total views

 69,119 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 64,988 total views

 64,988 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 100,959 total views

 100,959 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 108,626 total views

 108,626 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 325,500 total views

 325,500 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top