Mamamayan, pinapaalalahanan sa paliligo sa Manila Bay

SHARE THE TRUTH

 288 total views

Hinimok ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity ang publiko na sundin ang mga paalala ng pamahalaan kaugnay sa paliligo sa Manila Bay,lungsod ng Maynila.

Ayon sa Obispo, hindi hinahadlangan ng pamahalaan ang kasiyahan ng mga tao subalit inaalala lamang nito ang kalusugan ng mamamayan lalo na ng mga bata.

Pakiusap ni Bishop Pabillo sa publiko, huwag ipilit ang ipinagbabawal dahil makasasama lamang ito.

“Dapat sumunod tayo sa sinasabi ng batas sa pamahalaan kase ang [concern] nila ay ang safety natin. Kaya kung sinasabi ng pamahalaan na hindi pwedeng maligo sa Manila Bay huwag sanang pipilitin kase ibigsabihin may danger, danger sa maruming tubig o may iba pang danger, kaya sumunod tayo sa kung saan pinahihintulutan pwede tayo dun maligo kapag hindi pinapahintulutan huwag nating pilitin kasi ikasasama natin yan.” Ang pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Una nang kinumpirma ng Health Office of the Manila City Government na sa nakalipas na 15 taon ay nananatili paring mapanganib ang Manila Bay dahil sa mataas ang lebel ng Coliform sa tubig – uri ng Bakterya na nagmumula sa dumi ng tao.

Ilan sa mga karamdamang maaaring makuha dito ang skin diseases, typhoid, Hepatitis A, Cholera, at diarrhea.

Bilang pagbibigay naman ng alternatibong paliguan, inanunsyo ng city Government na maaari nang gamitin ang mga public swimming pools sa Pedro Gil, Dapitan at Tondo.

Samantala magugunitang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si na dahil na rin sa kapabayaan ng tao sa kalikasan, kalusugan rin ng tao ang pangunahing nagiging biktima ng masasamang epekto nito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 9,349 total views

 9,349 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 23,993 total views

 23,993 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 38,295 total views

 38,295 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 55,058 total views

 55,058 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,485 total views

 101,485 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top