Sangguniang Laiko, naninindigan laban sa patuloy na paglapastangan sa Saligang Batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 467 total views

Asahan ang mas malaki at sunod-sunod na pagtitipon ng iba’t-ibang grupo sa oras na hindi baliktarin ng mga mahistrado ng Mataas na Hukuman ang kanilang desisyon hinggil sa ‘Quo Warranto Petition’ kaugnay sa motion for reconsideration na isinumite ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang tiniyak ni Marita Wasan, pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas sa ginanap na indignation rally sa tapat ng Supreme Court sa Padre Faura kasabay ng pag-aantabay sa resulta ng MR.

Iginiit ni Wasan na hindi dapat magpatalsik ng isang impeachable official sa pamamagitan ng ‘quo warranto’ na base sa Saligang Batas ay sa pamamagitan lamang ng ‘impeachment’.

“Ang lahat ng mga opisyales ng ating gobyerno ay maaring patalsikin ng dahil lamang sa kagustuhan ng makapangyarihan, ng pangulong Duterte?” ayon kay Wasan.

Naniniwala rin si Wasan sakaling hindi paboran ang ‘Motion for Reconsideration’ ni Sereno ay nangangahulugan lamang ito ng pagsisimula ng pagyurak at pagsasaula sa Saligang Batas na dapat ang mga mahistrado ang unang-unang gumagalang.

Nanawagan din si Wasan sa sambayanan na makiisa sa ipinaglalabang katarungan bilang pagmamahal sa ating bayan at gumawa ng paraan na alamin ang mga usapin para sa pagsusuri ng katotohanan.

“Tinatapakan na po ang ating karapatan, tinatapakan ang katarungan, katotohanan na dapat sana ay ating sabay-sabay, magkaisa na labanan.” ayon kay Wasan.

Matatandaan na napatalsik sa posisyon si Sereno sa pamamagitan ng ‘quo warranto’ na isinumite ni Solicitor General Calida dahil sa hindi pagdedeklara ng kaniyang mga pag-aari.

Nakasaad sa Art. XI Sec. 2 ng Saligang Batas na ang mga ‘Impeachable officers (Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Mahistrado ng Korte Suprema, Ombudsman at iba pang mga kagawad ng mga Komisyong Konstitusyunal) ay maari lamang patalsikin sa pamamagitan ng impeachment.

Habang ang ‘Quo Warranto’ ay isang proseso na itinalaga ng Supreme Court kung saan ang isang pampublikong opisyal ay uusisain sa hinahawakang posisyon dahil may pagdududa sa kaniyang kakayahan na naaangkop sa lahat ng mga pampublikong kawani at opisyal ng pamahalaan maliban sa mga impeachables officials.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 29,238 total views

 29,238 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 51,243 total views

 51,243 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 75,585 total views

 75,585 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 99,219 total views

 99,219 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 132,808 total views

 132,808 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top