Mamamayang Filipino, hinimok na manindigan laban sa paglapastangan sa konstitusyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,156 total reads

Dapat tutulan ng mamamayan ang patuloy ang paglapastangan sa Saligang Batas.

Ito ang panawagan ni dating Department of Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman sakaling balewalain ng Supreme Court ang ‘motion for reconsideration’ na inihain ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na kumukwesyon sa ‘Quo Warranto Petition’ na siyang ginamit na proseso para mapatalsik siya bilang Chief Justice.

Ayon sa dating kalihim na dumalo sa indignation rally sa harap ng Korte Suprema, ang paglapastangan kay Sereno ay isa ring paglapastangan sa konstitutusyon, rule of law at sa kapangyarihan ng mamamayan.

Iginiit ni Soliman na sakaling katigan ng mga mahistrado ng Supreme Court ang ‘quo warranto’ ay nangangahulugan lamang na ang hukuman mismo ang hindi na gumagalang sa batas.

Nangangamba rin si Soliman na ang hakbang na ito ng Korte Suprema ay maaring maging hudyat ng pagbabalik sa kapangyarihan ng pamilya Marcos.

“Nakakapangamba kapag nawala si CJ Sereno at nagtagumpay ang pagpapaalis sa kanya na hindi sumusunod sa ating Konstitusyon nagbibigay daan para sa pagbalik ni Marcos kasi ang nagdedesisyon tungkol sa Presidential Electoral Tribunal ‘yung complaint ng fraud (may complaint si Marcos) ay ang Supreme Court,” ayon kay Soliman.

Ayon kay Soliman hindi na independente ang Supreme Court dahil hawak na sa leeg ng Pangulong Duterte na sumunod sa kagustuhan na mapatalsik sa posisyon si Sereno.

Matatandaang si Sereno ay napatalsik sa pamamagitan ng ‘quo warranto’ petition ng boto ng kanyang kapwa mahistrado na 8-6 nang panigan ang reklamong isinumite ni Solicitor General Jose Calida sa ang ginamit na basehan ay ang hindi kumpletong pagsusumite ng kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Kaugnay nito, inatasan ng Korte Suprema si Solicitor General Jose Calida na maghain ng komento sa loob ng 5-araw sa apela ni Sereno na baliktarin ang May 11 ruling ng Korte Suprema na nagpatalsik sa punong mahistrado sa puesto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 21,864 total reads

 21,864 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 103,009 total reads

 103,009 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 136,458 total reads

 136,458 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 171,756 total reads

 171,756 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 397,560 total reads

 397,560 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 14,270 total reads

 14,270 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top