Sangguniang Laiko, naninindigan laban sa patuloy na paglapastangan sa Saligang Batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 671 total reads

Asahan ang mas malaki at sunod-sunod na pagtitipon ng iba’t-ibang grupo sa oras na hindi baliktarin ng mga mahistrado ng Mataas na Hukuman ang kanilang desisyon hinggil sa ‘Quo Warranto Petition’ kaugnay sa motion for reconsideration na isinumite ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang tiniyak ni Marita Wasan, pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas sa ginanap na indignation rally sa tapat ng Supreme Court sa Padre Faura kasabay ng pag-aantabay sa resulta ng MR.

Iginiit ni Wasan na hindi dapat magpatalsik ng isang impeachable official sa pamamagitan ng ‘quo warranto’ na base sa Saligang Batas ay sa pamamagitan lamang ng ‘impeachment’.

“Ang lahat ng mga opisyales ng ating gobyerno ay maaring patalsikin ng dahil lamang sa kagustuhan ng makapangyarihan, ng pangulong Duterte?” ayon kay Wasan.

Naniniwala rin si Wasan sakaling hindi paboran ang ‘Motion for Reconsideration’ ni Sereno ay nangangahulugan lamang ito ng pagsisimula ng pagyurak at pagsasaula sa Saligang Batas na dapat ang mga mahistrado ang unang-unang gumagalang.

Nanawagan din si Wasan sa sambayanan na makiisa sa ipinaglalabang katarungan bilang pagmamahal sa ating bayan at gumawa ng paraan na alamin ang mga usapin para sa pagsusuri ng katotohanan.

“Tinatapakan na po ang ating karapatan, tinatapakan ang katarungan, katotohanan na dapat sana ay ating sabay-sabay, magkaisa na labanan.” ayon kay Wasan.

Matatandaan na napatalsik sa posisyon si Sereno sa pamamagitan ng ‘quo warranto’ na isinumite ni Solicitor General Calida dahil sa hindi pagdedeklara ng kaniyang mga pag-aari.

Nakasaad sa Art. XI Sec. 2 ng Saligang Batas na ang mga ‘Impeachable officers (Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Mahistrado ng Korte Suprema, Ombudsman at iba pang mga kagawad ng mga Komisyong Konstitusyunal) ay maari lamang patalsikin sa pamamagitan ng impeachment.

Habang ang ‘Quo Warranto’ ay isang proseso na itinalaga ng Supreme Court kung saan ang isang pampublikong opisyal ay uusisain sa hinahawakang posisyon dahil may pagdududa sa kaniyang kakayahan na naaangkop sa lahat ng mga pampublikong kawani at opisyal ng pamahalaan maliban sa mga impeachables officials.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 13,925 total reads

 13,925 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 14,187 total reads

 14,187 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 33,339 total reads

 33,339 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 155,176 total reads

 155,176 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 205,538 total reads

 205,538 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 332,596 total reads

 332,596 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 416,383 total reads

 416,383 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 13,926 total reads

 13,926 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »
Scroll to Top