Angkop na konsultasyon, kailangan bago isasabatas ang BBL

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 403 total reads

May basehan ang mga pagdududa o agam-agam ng mamamayan partikular ng mga taga-Mindanao sa pagkakaroon ng naaangkop na kunsultasyon patungkol sa panukalang Bangsamoro Basic Law na kapwa pumasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Kongreso at Senado.

Ayon kay Former University of the Philippines Institute of Islamic Studies Dean Julkipli Wadi, mahalaga ang pagkakaroon ng naaangkop na konsultasyon sa panukala dahil hindi basta basta ang layunin ng BBL sa Mindanao.

Paliwanag ni Dean Wadi, dapat na maging malinaw kung anong mga sektor o grupo ang nakunsulta sa rehiyon na inaasahang maaapektuhan ng implementasyon ng BBL.

“Ang tanong, gaano ba talaga yung maximum na consultation, ano ang minimum na consultation kasi the concept of consultation really happen arbitrary yun bang random selection kung sino yung kinukunsulta at hindi natin alam kung gaano ba, ano ba ang number ng population na dapat ikunsulta, so well may basehan yung ganung mga agam-agam na kulang sa konsultasyon…” pahayag ni Wadi sa panayam sa Radyo Veritas.

Sa ilalim ng nasabing panukalang batas ay papalitan ng Bangsamoro entity ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM na naitatag noong 1989 na sumasakop sa may 5 probinsiya at 113 munisipalidad na kinakatawan ng 8 kongresista.

Nauna nang nagpahayag ng pangamba si Ozamis Archbishop Martin Jumoad kaugnay sa posibilidad ng muling pagkakaroon ng mga panibagong kaguluhan o rebelyon sa rehiyon ng Mindanao kung hindi ganap na magiging buo at patas ang magiging implementasyon ng panukalang batas.

Matatandaang sa inilabas na pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) noong 2015, binigyang diin ng kapulungan ng mga Obispo na makakamit lamang ang ganap na pangmatagalang kapayapaan sa pamamagitan ng paggalang ng bawat isa sa lahat ng mamamayan maging sa mga Muslim, Kristiyano at Lumad na nakabase sa katarungang panlipunan, pagkakaisa at kapayapaan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 13,132 total reads

 13,132 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 70,500 total reads

 70,500 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 155,866 total reads

 155,866 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 202,602 total reads

 202,602 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 250,474 total reads

 250,474 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 350,959 total reads

 350,959 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top