Makiisa sa pagsusulong ng panukalang Right of Nature

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 443 total views

Hinikayat ni Sister Cresencia Lucero ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines at National Justice, Peace and Integrity of Creation Commission Coordinator ang mga Filipino na makiisa sa adhikain ng Salakyag – Sakay, Lakad at Layag para sa Sangnilikha 2018.

Naniniwala ang madre na bagamat nagtapos na noong ikalima ng Hunyo ang nation wide caravan, ay maaari pa ring makiisa ang mamamayan sa pamamagitan ng mga simpleng pamamaraan na nagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan.

Inaanyayahan din ni Sr. Lucero ang mamamayan na makiisa sa mga aksyon ng Salakyag, kabilang na ang 1 million signature campaign na naglalayong magpasa ng batas sa mga kongresista at senador.

“Tuloy-tuloy itong advocacy at laban na ito at magkakaroon yan ng mga forum mga lobby groups para isulong itong bagong batas, o bill ng Right of Nature. Ipapaliwanag yan sa mga komunidad sa mga schools, sa mga iba’t-ibang grupo, sana maging interesado tayong lahat dito dahil sabi nga ng ating Santo Papa kung ano ang ginagawa mo sa kalikasan ginagawa mo rin sa sarili mo, pamilya mo, komunidad mo.” pahayag ni Sr. Lucero sa Veritas.

Samantala, pinasalamatan naman ng Madre ang mga manlalakbay na sumali sa Salakyag simula noong ika-28 ng Mayo na nag-umpisa ang Caravan sa Zamboanga City.

Ayon sa Madre, hindi matatawaran ang dedikasyon at pagmamahal sa kalikasan na ipinakita ng mga kalahok gayundin ang kanilang pagpapagod para lamang maipabatid sa pamahalaan ang mga hinaing at ang nararanasang pagkasira ng kalikasan sa maliliit na komunidad ng Mindanao, Visayas at Luzon.

“Maraming-maraming salamat sa kanilang pagpapagod pero ang maganda dun talagang pinaninindigan nila yung kanilang hinaing at kanilang prinsipyo na kailangan alagaan ang kalikasan. Kailangan, i-protesta ang patuloy na pagkasira ng kalikasan lalong lalo na sa mga komunidad.” Dagdag pa ni Sr. Lucero.

Noong ika-lima ng Hunyo ay ganap nang nagtapos ang Nation Wide Caravan na Salakyag.

Nakiisa dito ang libu-libong mga mamamayan, at mananampalataya sa iba’t-ibang lalawigan ng bansa na naghanda ng mainit na pagsalubong sa mga manlalakbay na lumahok sa aktibidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 3,372 total views

 3,372 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 29,828 total views

 29,828 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 80,512 total views

 80,512 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 86,505 total views

 86,505 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 115,502 total views

 115,502 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 322,574 total views

 322,574 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top