Mananampalataya, Binalaan sa mga pekeng Relikya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 583 total views

Pinaalalahanan ng isang pari ang mga mananampalataya laban sa mga pekeng relikya na ibinibenta para gamiting anting-anting.

Ayon kay Rev. Fr. Dionisio Selma, Prior Superior ng Order of Augustinian Recoletos – ang mga bahagi ng katawan at gamit ng mga banal tulad ng relikya ni St. Augustine ng Hippo.

“In order to be authentic there must be proper documentation. Kasi there are false relics na ikinakalat and it can be dangerous kasi it can be used for selling,” ayon kay Fr. Selma.

Paliwanag ng pari ito ay hindi maaring gamiting anting-anting at hindi rin maaring ibenta.

“The relics are a means to which God acts. They are the cause of healing, they are instruments of God. But they are not ‘anting-anting’ and they are not magic,” ayon kay Fr. Selma.

Ang relikya ni St. Augustine ay dumalaw na sa iba’t ibang parokya sa Maynila bilang bahagi ng nationwide pilgrimage kasabay na rin ng pagdiriwang ng Pilipinas ng ‘Year of the Clergy and Consecrated Persons’ at matutunghayan hanggang June 8 sa Basilica Minore de San Sebastian sa Plaza del Carmen sa Quiapo Manila.

“It is an extension and expression of the Sacramental life of the Church so we can grow in holiness,” paliwanag pa ni Fr. Selma sa pagdalaw ng relikya sa San Sebastian church kung saan pinangunahan niya ang ‘welcome mass’.

Sa kaniyang homilya, sinabi ni Fr. Selma na bukod sa krus ng tagumpay ang mga santo at mga banal ay mga biyayang handog ng Panginoon sa mga mananampalataya.

Dahil ang mga banal na ito ay namuhay sa kabanalan at sa tulong ng kanilang pamamagitan ay ating nararanasan ang kagalingan at pagbabalik loob sa Panginoon.

Ang pagdalaw ng relikya sa bansa ay sa pamamagitan ni Fr. Dennis Ruiz -Postulator General of the Order of Augustinian Discalced (OAD) na siyang nagdala ng relikya na bahagi ng buto ni St. Augustine na mula pa sa General Curia sa Roma, Italya.

Kabilang sa mga parokyang dinalaw ng relikya ay ang Sanctuario de San Antonio, chapel of Sta. Monica, Cathedral Parish of St. Anthony kung saan nagbibigay din ng pananalita si Fr. Ruiz hinggil sa kahalagahan ng mga relikya at mga banal sa ating buhay pananampalataya.

Si St. Augustine ay inordinahang pari noong 391 at naging obispo ng Hippo sa loob ng apat na taon.

Siya ay nasawi sa Hippo o kilala ngayon bilang Algeria taong 430 sa edad na 75.

Ang kaniyang labi ay matatagpuan sa simbahan ng San Pietro in CielD’oro Pavia, Italya. Kinikilala rin ang kanyang mga inakda tulad ng City of God na naging bahagi ng paglago ng kristiyanismo at Western philosophy. Siya rin ay kinikilala bilang guro o Doctor of the Church.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 19,536 total views

 19,536 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 55,326 total views

 55,326 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 97,218 total views

 97,218 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 150,707 total views

 150,707 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 176,311 total views

 176,311 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top