Pilipinas, Nasasadlak sa Iba’t-ibang uri ng Pagkaalipin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 674 total views

Nararapat na magpasalamat ang mamamayan sa Diyos sa biyaya ng kalayaang ipinagkaloob sa bansa.

Sa mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, binigyang diin nito na ang tunay na Kalayaan ay bahagi ng ganap na buhay na dulot ni Hesus.

Sa kabila nito, ikinalulungkot ni Cardinal Tagle ang pagkaalipin ng lipunan sa iba’t-ibang uri ng bisyo, droga, corruption, pera, luho at karahasan.

“Nagpapasalamat tayo sa Dios sa biyaya ng kalayaan. Ang tunay na kalayaan ay bahagi ng ganap na buhay na dulot ni Jesus (Juan 10:10). Salamat din sa pagpupunyagi ng mga dakilang Pilipino at Pilipina na nagpamana sa atin ng kalayaan. Subalit nakalulungkot tanggapin na laganap pa rin ang pagkaalipin sa bisyo, droga, korupsyon, kapangyarihan, pera, luho at karahasan.” bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.

Bukod sa pagkilala sa mga bayani sa bansa ay nakiisa din ng Cardinal sa pamilyang humihiling ng katarungan sa mga biktima ng pamamaslang sa lipunan kung saan pinakahuling biktima ay si Rev. Fr. Richmond Nilo, 44 taong gulang na pari ng Diocese ng Cabanatuan na pinaslang ng hindi pa nakikilalang salarin sa Altar ng Nuestra Señora dela Nieve sa Mayamot Zaragosa Nueva Ecija noong Linggo ika – 10 ng Hunyo.

“Ang pinakahuling biktima ay si Fr. Richmond Nilo ng Cabanatuan at sana’y hindi na masundan. Tumatangis tayo para sa kanila, sa kanilang pamilya at sambayanan. Humihingi tayo ng katarungan para sa kanila.” dagdag pa nito.

Panawagan din ni Cardinal Tagle sa mamamayan ang paghingi ng tawad sa Diyos sa mga kasalanan laban sa buhay at huwag sumunod sa makamundong emosyong makapanakit sa kawpa.

Hinihikayat ng Kardinal ang patuloy na pagpapatunog ng mga kampana sa mga simbahan tuwing alas-otso ng gabi bilang pag-alala at pag-aalay ng panalangin sa mga pumanaw na higit lalo ang mga biktima ng karahasan at pagpaslang sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 58,586 total views

 58,586 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 133,200 total views

 133,200 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 213,279 total views

 213,279 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 256,418 total views

 256,418 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 254,035 total views

 254,035 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top