Patients care, Family care at Community care.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 345 total views

Ito ang tatlong aspeto na tinututukan sa Programang Pangrehabilitasyon ng Diocese ng Caloocan sa mga indibidwal na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, magkakaroon ng after care ang mga recoveries kung saan patuloy ang pagtitipon ng kanilang mga support group sa tulong ng mga Professional Counsellors upang matiyak na hindi babalik sa iligal na gawain.

Bukod sa mga recoveries, sasailalim din sa counselling ang pamilya nito dahil naniniwala ang Obispo na ang paghilom ay hindi lamang sa taong nalulong sa iligal na droga kundi maging sa Pamilya at Komunidad na kinabibilangan.

Tiniyak ng Diocese ng Caloocan na magpatuloy ang pagtugon sa mga indibidwal na sangkot sa ipinagbabawal na gamot na nagtapos sa rehabilitation program.

“Yun ang after care so pagkatapos ng graduation kailangan imimeet nila yung kanilang support group at mayroong counsellors na magmomonitor sa kanila for the after care to make sure na walang relapse at siyempre kasama sa mga counsellings, families nila kasi ang healing dito hindi lang sa individual hindi lang dun sa pasyente kundi sa family at ang pinaghuhusay pa namin yung involvement of the community.” bahagi ng pahayag ni Bishop David sa Radio Veritas.

Nilinaw ng obispo na kaisa ang Simbahang Katolika sa layunin ng administrasyong Duterte na alisin ang iligal na droga sa bansa ngunit iginiit na dapat sa tamang pamamaraan at pairalin ang due process sa mga sangkot na indibidwal.

Noong ika – 11 ng Hunyo isinagawa ang 3rd CARROTS SALUBONG Completion rites sa Caloocan City Hall kung saan 276 na mga recoveries ang nagtapos sa Rahabilitation Program sa pakikipagtulungan ng simbahan at lokal na pamahalaan.

Sumailalim sa counselling, spiritual renewal at maging livelihood programs ang ibinahagi sa mga recoveries na makatutulong sa kanilang tuloy-tuloy na pagbabago.

Tiniyak naman ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na mas palalawakin ang programang pangrehabilitasyon sa lunsod at hinihikayat nito ang mga may kamag-anak na sangkot sa ipinagbabawal na gamot na sumailaim sa libreng programang pangrehabilitasyon.

Samantala, tumangging magbigay komento si Bishop David hinggil sa muling pagkakatalaga ni Senior Superintendent Chito Bersaluna ang dating hepe ng Caloocan police na tinanggal sa puwesto dahil sa kontrobersiyal na pagkakapaslang kay Kian Lloyd Delos Santos na kinasangkutan ng Police Caloocan.

Si Bersaluna ay itinalagang hepe ng Bulacan Provincial Police Office.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 17,029 total views

 17,029 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 52,819 total views

 52,819 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 94,711 total views

 94,711 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 148,245 total views

 148,245 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 174,053 total views

 174,053 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top