Pangangailangan ng mga estudyante sa Compostela valley, tinugunan ng Vincentian Foundation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 449 total reads

Pinangunahan ng Vincentian Foundation ang pamamahagi ng mga gamit eskuwela sa ilang malalayong komunidad sa Compostela Valley.

Mahigit sa 300 mga bags, hygiene kits at mga gamit sa paaralan ang hinatid ng Foundation sa Pongpong Cagan Andap, Awao at New Bataan sa lalawigan ng Compostela Valley.

Ayon kay Rev. Fr. Gerald Borja CM, Executive Director ng Vincentian Foudation, nais nilang marating at maipamalas ang pagtulong maging sa mga malalayong komunidad.

“Marami pang mga taong dapat tulungan sa mga malalayong lugar na halos hindi pa naabot ng development and progress, Sila ang mga totoong nasa periphery geographically, economically and socially kasi isolated sila talaga at nangangailangan ng pagtulong.” Pahayag ni Borja sa panayam ng Radio Veritas.

Aminado si Fr. Borja na hindi madali ang pagtungo sa mga isolated communities gaya ng Pongpong Elementary School kung saan kinakailangan lumakad ng mahigit sa isang oras para lamang marating ito.

“Nakita ko na ang mga community na ito just reaching them geographically is a challenge, you need to take risk lalo na sa actual na pagtulong kailangan mo na sumugal parating may component ng risk pero hindi ito hadlang para makatulong tayo sa kanila dahl dito lang natin maipapamalas na may nagkalinga at nakakaalala sa kanila” paliwanag pa ni Fr. Borja.

Aminado ang Pari na maraming ginagawa ang Simbahan na hindi naipapamalas sa publiko ngunit nagpapatuloy pa din ito at ginagawa ang tunay na pagtulong.

“Well ang Simbahan sa pagkakalam ko hindi yan nagmamayabang in fact kahit kami sa Vincentian Foundation hindi kami sanay na ipaalam ang ginagawa namin, marami tayong ginagawa generally wala sa atin ang i-advertise ang ating ginagawa talagang pagtulong lang talaga.”pahayag ng Pari

Umaasa si Fr. Borja na kung mapagkakalooban ng karagdagang pondo ay marami pa silang pinaplano na programa para direktang makatulong sa mga komunidad sa Compostela Valley na minsan nang nakaranas ng pananalasa ng bagyong Pablo taong 2011 kung saan halos 2 libo ang nasawi.

“Marami kaming plano gaya ng savings mobilization lalo na sa mga bata sana mapalakas yun habit ng savings. Nakikita namin na very practical ito at hindi kailangan ng malaking organizing, nakita namin na savings talaga ang best way din for them to be resilient. Maganda din dito mag-start ng Day Care Center na savings based, magkaroon ng program for Farming at Micro finance dito meron kaming tinatawag na COMVALIKAT (Community-Valued Inclusive Capacities for Adequate Tenure) na nais namin palakasin ang savings mobilization na towards development.”pagbabahagi ng pari sa Radio Veritas

Ang Vincentian Missionaries Social Development Foundation Inc. ay itinatag taong 1991.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 88,399 total reads

 88,399 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 182,429 total reads

 182,429 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 226,697 total reads

 226,697 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 249,806 total reads

 249,806 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 320,961 total reads

 320,961 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,406 total reads

 110,406 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top