Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panindigan ang kalayaan

SHARE THE TRUTH

 209 total views

Mga Kapanalig, mabuhay ang ating kalayaan!

Ngayon, Hunyo 12, ang ika-120 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Huwag sana nating kalimutang maraming buhay ang isinakripisyo upang makamit at patuloy nating tamasahin ang ating kalayaan. Utang na loob natin ito sa ating mga bayaning nag-alay ng kanilang dunong, lakas, tapang, at mismong buhay upang palayain ang ating bayan mula sa mga dayuhan, mahigit isang siglo na ang nakararaan. Sila ang mga bayaning gumising sa ating diwa bilang isang bayan, bilang isang lahing hindi na muling magpapaalipin sa dayuhang mananakop. Sila ang dahilan kung bakit naipapahayag nating tayo’y malaya.

Nakalulungkot na tila ba naisasantabi na ang pag-aalay ng buhay ng ating mga bayani. Sa harap ng malalaking puwersang umaagaw sa ating teritoryo at likas-yaman, tila bumabahag ang buntot ng mga inaasahan nating ipagtatanggol ang ating kalayaan at kasarinlan laban sa mga dayuhan.

Noong isang linggo, lumabas ang isang video na nagpapakita ng paglapit ng Chinese Coast Guard sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda upang kunin ang kanilang huli. Ayon sa isang mangingisda, hindi iyon ang unang pagkakataong kinuha ng Chinese Coast Guard ang mga isdang kanilang huli; pinipili pa raw ng mga ito ang pinakamagagandang isda. Nakunan ang video sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal na nakapaloob sa 200-nautical-mile Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas. Tandaan natin, mga Kapanalig, na batay sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration na inilabas noong 2016, ang Scarborough Shoal, bagamat nasa loob ng ating EEZ, ay idineklarang common fishing ground para sa mga mangingisdang Pilipino, Tsino, at iba pang mula sa mga karatig na bansa. Ipinawalang-bisa rin ng desisyong iyon ang nine-dash line na ginagamit ng China upang kamkamin ang mga islang nakapaloob sa ating teritoryo.

Ipinakikita lamang ng video na iyon kung gaano binabalewala ng China ang makasaysayang desisyon ng Permanent Court of Arbitration. Maliban sa panggigipit sa mga maliliit na Pilipinong mangingisda, patuloy din ang militarisasyon ng China sa mga pinag-aagawang isla. Sa kabila nito, hindi natin mariringgan ng matapang na salita si Pangulong Duterte gaya ng pagbabanta niya sa kanyang mga kritiko, sa Simbahang Katolika, at sa Estados Unidos at European Union. Minsan pa nga niyang sinabing mahal niya ang pangulo ng China na si Xi Jin Ping. Kailangan din daw natin ang tulong ng China, kaya’t bakit daw tayo papasok sa giyerang tiyak na talo tayo? Ngunit wala namang nagsasabing makipagdigmaan tayo sa Tsina; ang panawagan ay paninidigan ng pamahalaan ang ating karapatan bilang isang malayang bansa.

Mga Kapanalig, itinuturo sa atin ng panlipunang turo ng Simbahan na ang gabay sa pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa isa’t isa ay katulad ng gabay natin sa pakikipagkapwa-tao. Nakaugat dapat ito sa katotohanan, katarungan, at pakikiisang may paggalang sa kasarinlan sa isa’t isa. Nililiwanagan ito ng katwiran, ng prinsipyo ng pagiging patas, at ng proseso ng batas. Walang ugnayang nabubuo kung paiiralin ang karahasan, diskriminasyon, pananakot, at panlilinlang.

Muli, hindi natin nais na hamunin ng giyera ang China kahit pa ginigipit nito ang ating mga kababayang mangingisda at kahit pa inaangkin nito ang ating mga isla. Hindi natin kailangang humawak ng armas gaya ng ginawa ng ilan nating mga bayani upang makalaya tayo sa pananakop ng España. Ngunit kung tumitiklop lamang tayo sa panggigipit ng isang malakas na bansa at kung hindi natin igigiit ang ating karapatan bilang isang bansa sa pamamagitan ng batas at propesyunal na diplomasya, nawawalan ng saysay ang ipinaglabang kalayaan ng ating mga bayani.

Mga Kapanalig, paalala ang Araw ng Kalayaan ng paninindigan ng ating mga bayani para sa ating kasarinlan at kalayaan sa halagang hindi matutumbasan. Suriin natin ang mga lider natin ngayon—pinaninindigan ba nila ang ating kalayaan? Tayong mga mamamayan: ipinaglalaban din ba natin ang ating kalayaan?

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 6,647 total views

 6,647 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 14,128 total views

 14,128 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 27,268 total views

 27,268 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 33,241 total views

 33,241 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 38,995 total views

 38,995 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 6,648 total views

 6,648 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 14,129 total views

 14,129 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 27,269 total views

 27,269 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 33,242 total views

 33,242 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 38,996 total views

 38,996 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,542 total views

 40,542 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,626 total views

 41,626 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,007 total views

 37,007 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,011 total views

 49,011 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,053 total views

 57,053 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,610 total views

 48,610 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,035 total views

 47,035 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,821 total views

 48,821 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,746 total views

 45,746 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,060 total views

 60,060 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top