Digital media platform, inilunsad ng Radio Veritas Asia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 513 total views

Mahalaga at napapanahon ang pagpapaunlad sa pamamaraan ng pamamahayag sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Communications sa paglunsad ng digital platform ng Radio Veritas Asia upang mas marami pang mananampalataya ang maaabot ng mabuting balita ng Panginoon.

“Ang ating shift papunta sa digital media is something that is really called for today kasi importante makita natin na we want toreach out more people, we want to evangelize more people.” pahayag ni Bishop Vergara sa Radio Veritas.

Ayon naman kay Rev. Fr. Victor Sadaya, CMF, ang general manager ng Veritas Asia, bilang missionary voice ng Simbahang Katolika hindi lamang mga Katoliko Kristiyano sa Asya ang inaabot ng himpilan kundi maging ang iba pang relihiyon sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Inaasahan ng Pari na mas higit na mailapit sa tao ang mga Salita ng Diyos at pagsunod sa three – fold mission ng simbahang katolika sa Asya na pagpapahalaga sa usapin ng dignidad ng buhay, relihiyon at ng mga mahihirap.

“Ang Radio Veritas Asia ay hindi lang pumapasok sa lugar kung saan may Katoliko Kristiyano kundi dahil sumusunod ang Radio Veritas Asia doon sa three fold approach to the mission of the asian church namely yung tinatawag nating dialogue of life, dialouge of religion, dialogue with the poor.” saad ni Fr. Sadaya sa panayam ng Radio Veritas.

Bukod dito hinimok din ni Bishop Vergara ang mga kabataan na aktibong makilahok sa pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos partikular sa social media at masusing suriin ang bawat napapanood at nababasa sa social media na makatutulong sa paghubog ng pagkatao at pagiging mabuting Kristiyano.

1969 ng itinatag ang Radio Veritas Asia upang maging instrumento sa new evangelization ng simbahan.

Halos 5 dekada na ang nakalilipas kasabay ng makabagong teknolohiya ay pinauunlad din ng himpilan ang paglilingkod sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pamamahayag.

Sa susunod na taon ay kapwa magidiriwang ng ika – 50 anibersaryo ang Radio Veritas Asia at Radio Veritas 846 kung saan kapwa layuning higit na maabot at mapalalim ang pananampalataya ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 84,526 total views

 84,526 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 128,134 total views

 128,134 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 210,484 total views

 210,484 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 221,126 total views

 221,126 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top