Kidapawan massacre, babala sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 589 total reads

Itinuturing ni Caritas Manila Executive Director at Pangulo ng Radio Veritas 846 Father Anton CT Pascual na “wake-up call” sa mamamayan sa mga ihahalal na lider sa ika-9 ng Mayo ang madugong pagbuwag sa kilos-protesta ng mga magsasaka sa Kidapawan North Cotabato na ikinasawi ng tatlo at pagkasugat ng 200-iba pa.

Ayon kay Father Pascual, ang Kidapawan incident ay nagbubunyag at sumasalamin sa tunay na katauhan ng mga lider na namumuno sa bansa.

Nilinaw ni Father Pascual na ang kilos-protesta ng mga magsasaka para humingi ng pagkain ay patunay na:

1.Matindi ang kapabayaan ng pamahalaan at lipunan sa kalagayan ng mga magsasaka na biktima ng tagtuyot at gutom dahil sa El Nino phenomenon.

2.Hindi pagbibigay ng prayoridad ng national government sa “agriculture sector” na siyang pangunahing sektor at yamang likas ng Pilipinas na naging dahilan para mag-import o umangkat ng bigas ang pamahalaan sa ibang bansa.

3.Hindi natutugunan ng kasalukuyang administrasyon ang problema sa patubig at kuryente para sa agriculture at community consumptions.

4.Hindi napapalitan ang mga magsasaka ng bagong mag-aalaga ng lupa kung saan ang average age of farmers ay 57-taong gulang.

5.Kulang ang suporta ng pamahalaan sa agri based business opportunities with high value supply chain at agri entrepreneurs.

Nabatid na May 2014, nagbabala ang state weather bureau PAG-ASA sa posibilidad ng pagtama ng El Nino phenomenon sa Pilipinas na dalawang beses nangyayari sa loob ng 7-taon.

Ika-3 ng Hunyo 2015, tinukoy ng PAG-ASA ang 32 lalawigan na matinding tatamaan ng tagtuyot ngunit bigo pa rin ang pamahalaan na paghandaan ito.

Inihayag ng Department of Agriculture na umaabot sa 252,176 hektarya ng lupang pansakahan ang apektado ng El Nino mula February 2015 hanggang March 2016 kung saan 383,743-metriko tonelada ng agricultural production ang nasira na nagkakahalaga ng 5.53-bilyong pesos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 35,140 total reads

 35,140 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 71,077 total reads

 71,077 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 297,347 total reads

 297,347 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 190,815 total reads

 190,815 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 282,977 total reads

 282,977 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top